176 total views
Ito ang paanyaya ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mga mananampalataya kaugnay na rin sa pahayag ng Pangulo na pangungutya sa tradisyon at pagdiriwang ng mga Katoliko sa All Saints at All Souls Day.
Bago ang pahayag na mga lasenggo at mga sira-ulo ang mga Santo ng Simbahan, naglabas ang pahayag ang Malacañang ng pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Filipino sa Todos Los Santos.
Ayon kay Bishop David na siya ring Bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hindi na bago na tawaging lasenggo at mga baliw ang mga Santo maging ang makaranas ng pag-uusig sa kanilang pananampalataya.
“There’s nothing new about our Saints being called “fools and drunkards”. St John the Baptist was even called “devil-possessed”. Jesus himself was called a “glutton and a drunkard, a friend of tax collectors and sinners” (Luke 7:33-35). The apostles at Pentecost were also called “drunkards” (Acts 2:13). To be a Christian is to be ready to be branded as a “fool for Christ”. Remember what Jesus said in Matthew 5:11-12, “Blessed are you when they insult you and persecute you and utter every kind of slander against you because of me. Rejoice and be glad, for your reward will be great in heaven. Thus they persecuted the prophets who were before you.” St. Paul too in 1 Corinthians 4:10, said, “We are called fools for Christ’s sake…” pahayag ni Bishop David.
Paalaala ng Obispo na sa katuruan ni Kristo na kailangan nating maging maaawain sa pakikisalamuha sa mga may sakit lalu’t nakikita na ring ng mga Filipino na ang bansa ay pinamumunuan ng may sakit na pinuno.
“Please remember, Jesus taught us to be Merciful when dealing with sick people. I think it should obvious to people by now that our Country is being led by a very sick man. We pray for him. We pray for our Country”, ayon sa facebook post ni Bishop David.
Noong nakaraang buwan, may limang milyong deboto ang nagbigay pugay kay St. Santo Padre Pio sa pagdalaw nito sa Pilipinas.
Si Padre Pio na una na ring inakusahan na sinasaniban ng demonyo ay kabilang sa higit 10 libong santo na opisyal na idineklara ng Simbahan.
Sa katuruan ng Simbahan binibigyan diin ang kahalagahan ng patuloy na Pananalangin sa mga namayapa at mga banal bilang pakikiisa o ‘Communion’ sa iisang pananampalataya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaluwalhatian.