Kababaang loob, susi sa kabutihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total views

Hinimok ng Obispo ang mananampalataya na panatilihin ang kababaang loob upang manaig ang kabutihan.

Ito ang pagninilay ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa misang isinagawa sa pagbubukas ng Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS).

Inihalimbawa ni Bishop Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang pamumuhay ni San Martin de Porres na naglilingkod sa kapwa ng may kababaang loob.

“Sana matutuhan natin ang mamatay sa sarili upang si Kristo na Diyos ay mabubuhay sa atin,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Paliwanag ng Obispo na ang kalaban sa pag-ibig ng Diyos ay ang labis na pagmamahal sa sarili na nagiging daan upang maging makasarili ang tao at nakalilimutan ang pagkalinga sa kapwa.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na dapat iwasan ng tao ang pagtataas sa sarili lalo sa mga bagay na naiaambag sa komunidad sa halip ay hayaan ang mamamayan na nakakikita sa ginagawang kabutihan sa lipunan.

Si San Martin de Porres ay kilalang patron ng mga institusyong nagkakawanggawa, mga mahihirap at yaong nakararanas ng diskriminasyon sa lipunan dahil sa hindi pagkakapantay-pantay.

Noong nabubuhay pa ang Santo ay kinakalinga nito ang mga inaabandona sa mga lansangan, isang gawaing nagpapatunay na kinalimutan nito ang sarili alang-alang sa kapakanan ng kapwa.

Taong 1962 ng itinalagang Santo ng Simbahang Katolika si San Martin de Porres ni Pope John Paul XXIII at kabilang sa mahigit sampung libong Santo ng Simbahan na nagsisilbing huwaran sa mananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,166 total views

 36,166 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 110,780 total views

 110,780 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 190,859 total views

 190,859 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 233,998 total views

 233,998 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 232,920 total views

 232,920 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top