Ipanalangin ang katatagan ng bansa sa krisis pang-ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Sa harap ng krisis sa ekonomiya ng bansa, hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na patuloy na ipanalangin ang katatagan ng mga namumuno sa pamahalaan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission kailangan ng bansa ng tapat na mga opisyal na mamumuno sa Pamahalaan na may pagmamalasakit sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

“We are praying for the people in the Government that we will have good Economic Managers,” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Ito ay kaugnay sa patuloy na paghihirap na nararanasan ng mga Filipino dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo na pangunahing pangangailangan ng tao.

Una na ring inihayag ng ilang mga mambabatas at pinuno ng iba’t ibang sektro, malaki ang epekto ng pagpapatupad ng reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa ipinapataw na buwis sa mga produktong langis.

Iginiit ni Bishop Bastes na bagamat walang kapangyarihan ang Simbahan para baguhin ang mga polisiyang ipinatutupad ng Estado, umaasa itong gagawa ng hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

“I hope that at least they will not tax the fuel, not tax so many things because the people are already suffering,” ani ng Obispo.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Setyembre umabot sa 6.7-porsiyento ang itinaas sa presyo ng mga bilihin partikular sa produktong pagkain na sa pagsusuri ng Social Weather Station (SWS) halos 12 milyong pamilya sa bansa ang nagsabing sila ay naghihirap o katumbas sa halos 60 milyong Filipino.

Paliwanag ng Obispo nakadepende lamang ang Simbahan sa mga taong bumubuo dito na tumutulong upang maitaguyod ang mga proyekto para mapaunlad ito.

“If the people are suffering, the Church is also suffering.” dagdag ni Bishop Bastes.

Sa panig ng Simbahan, gumagawa rin ito ng mga hakbang na makatutulong maiangat ang mamamayan sa karukahaan tulad ng pagbibigay ng libreng pagsasanay pangkabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,099 total reads

 74,099 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,932 total reads

 121,932 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 169,803 total reads

 169,803 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 273,750 total reads

 273,750 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,398 total reads

 356,398 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top