VeritasPH

The Word, The Truth

Ipagdasal ang Kaluluwa ng mga Pumapaslang

SHARE THE TRUTH

 135 total views

Sa pagdiriwang ng All Saints at All Souls day, hinikayat din ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na pagdarasal sa mga mamamatay tao.

Ayon sa Obispo, maliban sa mga kaanak na yumao, at biktima ng karahasan mahalagang maipagdasal din ang kaluluwa ng mga nasa likod ng pagpaslang sa lipunan.

Nababahala si Bishop David sa tila kawalan ng takot ng mga mamamatay tao itinuturing na lamang na hayop ang kanilang mga biktima na hindi katanggap-tanggap at malinaw na nagpapakita ng paglapastangan ng kasagraduhan ng buhay.

Dahil dito, marapat din aniyang ipagdasal ang mga ito upang sila ay makapagbalik loob dahil ayon sa Obispo ang kaluluwa ng mga taong gumawa ng masama ay tiyak na mababalisa din pagdating ng kanilang kamatayan.

“Sa palagay n’yo ba, ang mga mamamatay tao na kung pumatay o pumaslang ay parang pumaslang lang sila ng mga manok ay mapapayapa yan sa kabilang buhay? Siguradong mababalisa sila. Kaya ipagdasal din natin sila kasi gumawa man sila ng kasalanan o nang masama mahal pa rin sila ng Diyos.” Dagdag pa ni Bishop David.

Matapos ang misa, nagbasbas din si Bishop David sa ilang mga puntod kabilang na ang puntod ni Kian Lloyd Delos Santos, ang 17 taong gulang na batang biktima ng war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag ni Bishop David na hindi ang naging pamumuhay ng mga yumao ang dapat na tignan upang sila ay bigyang paggalang kun’di ang Diyos na lumikha ang binibigyang paggalang sa tuwing isa sa kan’yang mga kawangis na nilalang ang pumapanaw.

“Ang mga yumao ay sagrado hindi dahil sila ay mga banal na tao kun’di dahil banal ang Diyos na lumikha sa kanila at nilikha tayo sa hugis at wangis ng isang banal na Diyos kaya yung pagpunta natin sa mga yumao natin ay isang paggunita sa kabanalan ng Diyos na lumikha sa kanila kaya dapat sila’y igagalang… nakakalungkot kapag ginagawang basurahan ang mga Campo Santo o ang mga sementeryo, ibig sabihin wala na sa tradisyon natin o wala na sa kamalayan natin ang kasipan na ito’y sagradong lugar,” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ni Bishop David ang mga kapamilya ng mga yumao na ipagdasal ang kanilang kaanak na namayapa, subalit huwag nang tularan ang mga maling nagawa nito.

Pagkakalat sa mga sementeryo

Ito naman ang napuna ni Bishop David sa La Loma Catholic Cemetery.

Ayon sa Obispo, labis na nakalulungkot ang naging ugali ng mga Filipino na basta na lamang pag-iiwan ng mga kalat kung saan-saan lalo na ngayon sa sementeryo.

Hindi ugaling Kristiyano ang pagkakalat ng basura sa sementeryo dahil ayon kay Bishop David ito ay tinatawag din na Campo Santo na nangangahulugang isang banal na lugar para sa mga yumao at kinakailangang bigyang paggalang ang lahat ng nahihimlay dito maging anuman ang kanilang naging buhay.

Ipinaliwanag naman ni Bishop David na ang La Loma Catholic Cemetery ay isang Campo Santo o mga katolikong sementeryo kung saan isinasagawa ang mga tradisyon at paniniwalang Katoliko.

Ayon sa Obispo, iba ang Katolikong sementeryo sa mga tinatawag na memorial park dahil pribado ang mga ito.

Kung ang yumao at ang pamilya ng yumao ay hindi naniniwala sa pananampalataya at tradisyon ng mga Katoliko ay maaari nitong piliing ihimlay ang kanilang kaanak sa mga pribadong sementeryo o mga memorial parks.

Ang La Loma Catholic Cemetery na kilala noon bilang Campo Santo de La Loma ay binuksan nang taong 1884, kung saan naging bahagi na ng kasaysayan ang luma nitong Simbahan na sa kasalukuyan ay nananatiling nakatayo sa ilalim ng pangangalaga ng Diocese of Kalookan at ng Chaplain nito na si Father Rey Tumbocon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,612 total views

 10,612 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,597 total views

 18,597 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,133 total views

 26,133 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,118 total views

 42,118 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,162 total views

 50,162 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 38,492 total views

 38,492 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 38,275 total views

 38,275 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 38,270 total views

 38,270 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 155,979 total views

 155,979 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 155,931 total views

 155,931 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 38,443 total views

 38,443 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 38,342 total views

 38,342 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 124,580 total views

 124,580 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 38,167 total views

 38,167 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 31,839 total views

 31,839 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 29,293 total views

 29,293 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 29,311 total views

 29,311 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 29,293 total views

 29,293 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 29,319 total views

 29,319 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 29,215 total views

 29,215 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top