Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 13,505 total views

Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero.

Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na’t hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.

Ang apela ng obispo ay kaugnay sa paggunita kay San Floriano na itinuturing na pintakasi ng mga bumbero at patron ng Bureau of Fire Protection.

Please pray ang ating mga bumbero, ang ating fire officers na maging safe sila sa kanilang duty to protect the lives of the people from any untoward incidents,” apela ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Kasabay ng pag-iral ng matinding init ng panahon ay ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang insidente ng sunog sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Panawagan naman ni Bishop Florencio sa mga kawani ng BFP na paigtingin pa ang pagbabahagi ng mga kaalaman at pagsasanay na tiyak na makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sunog sa mga pamayanan.

“As firefighters, ‘di lang tayo activated doon sa pagpatay ng sunog. Doon din tayo sa mga sources na kung saan araw-araw, hikayatin natin na tayo ay maging active din sa pagsasabi at pagbibigay ng edukasyon sa publiko upang sila ay manatiling prepared at maiwasan ang sunog,” saad ni Bishop Florencio.

Batay sa huling ulat ng BFP, umabot na sa higit 3,000 ang naitalang insidente ng sunog sa bansa sa unang bahagi pa lamang ng 2024 kung saan ang dahilan batay sa imbestigasyon ng ahensya ay mga itinatapong upos ng sigarilyo.

Dagdag pa ng BFP, 69-katao ang naitalang nasawi at 213 ang sugatan sa mga sunog na karamiha’y nangyari sa residential areas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,497 total views

 42,497 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,978 total views

 79,978 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,973 total views

 111,973 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,713 total views

 156,713 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,659 total views

 179,659 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,933 total views

 6,933 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,546 total views

 17,546 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,075 total views

 7,075 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top