VeritasPH

The Word, The Truth

Ipagdasal ang mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 193 total views

Mga Kapanalig, malaking karangalan para sa Pilipinas ang inihatid ng mamamahayag na si Maria Ressa nang igawad sa kanya, kasama ang mamamahayag ding si Dmitry Muratov ng Russia, ang prestihiyosong Nobel Peace Prize ngayong 2021. Si Ressa ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng naturang parangal. Kinilala ng Nobel ang pagsisikap at nagawa niya sa larangan ng malayang pagpapahayag na napakahalaga sa ating demokrasya at sa pagtataguyod ng kapayapaan. Kinakatawan din niya ang lahat ng mamamahayag na ang hangarin lamang ay malayang maipahayag ang mga totoong nagaganap sa kanilang bayan.

Ngunit hindi biro at hindi madali ang buhay ng mga mamamahayag. Sa pagtupad ng kanilang misyong ihayag ang katotohanan, madalas silang nalalagay sa peligro, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng mga pamahalaang ginigipit ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan o ‘di kaya’y mahina ang sistemang pangkatarungan.

Nitong Oktubre, ibinalita ng Committee to Protect Journalists (o CPJ), isang international media watchdog, na ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga bansang napakaraming kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag. Sa kanilang Annual Impunity Index, kung saan nakalista ang mga bansang may lima o higit pang kasong hindi nalulutas sa nakaraang sampung taon, pampito ang Pilipinas sa labindalawang bansang nakasama sa nasabing listahan. Kasama sa listahan ang mga bansang may nagpapatuloy na digmaan o nasa ilalim ng rehimeng authoritarian katulad ng Somalia, Syria, Iraq, Afghanistan, Pakistan, Russia, at India.Binigyang-diin din ng CPJ na wala ni isa mang napanagot sa 81% ng mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag o media killings sa buong mundo sa nakaraang sampung taon.

At patuloy ang pagbabanta at pagpaslang sa mga mamamahayag.

Nitong pagpasok ng Nobyembre, naging balita ang pagpatay kay Orlando “Dondon” Dinoy, isang reporter ng Newsline Philippines sa siyudad ng Davao at anchor sa Energy FM sa lungsod ng naman ng Digos. Pinatay siya sa loob ng kanyang apartment. Nagsusulat din siya para sa Philippine Daily Inquirer at Sunstar Davao. Ayon sa National Union of Journalists in the Philippines at Center for Media Freedom and Responsibility, ika-21 na si Dondon Dinoy sa mga pinatay na mamamahayag sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang isang mamamahayag na tapat sa kanyang propesyon ay maituturing nating sumusunod sa ehemplo ni Hesus. Nakikisalamuha siya sa kanyang kapwa. Nakababad sa mga isyu at alalahanin ng mga tao. Nagtatanong, nagsisiyasat, nagsusuri, at ipinapaalam ang mga nagaganap, mabuti man o hindi. Layunin ng tapat na pagpapahayag ang mailabas ang katotohanan tungo sa pagtataguyod sa karapatan at dangal ng tao. Ngunit katulad din ni Hesus na ang hangad lamang ay maihatid ang katotohanan, karaniwang hindi nauunawaan o tinatanggap ang mga mamamahayag sa sariling bayan, lalo na kung sumasalungat ang mga balita nila sa kagustuhan ng mga nasa poder. Subalit sa mga naniniwala, ani Hesus sa Juan 8:31-32, “Kung patuloy kayong susunod sa aking turo,… Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Mga Kapanalig, sa gitna ng patuloy na panganib na kinakaharap ng ating tapat at matatapang na mga mamamahayag at manunulat, ating ipanalangin, sa tulong ni  San Francisco de Sales, patron ng mga mamamahayag, na laging palakasin ng Diyos ang kanilang loob. Nawa’y maging matatag silang labanan ang kasamaan at kawalan ng hustisya, maging maunawain at mahabagin sa kanilang kapwa, saksihan at ungkatin ang katotohanan sa likod ng mga panlilinlang at mga salitang nasusuhulan. Nawa’y ang pagkakataon nilang magpahayag ng mabuti o masama ay gamitin nila nang may katapatan, katapangan, at integridad sa tuwina. Ipanalangin natin sila upang maging mga “sowers of hope in a better tomorrow” o taga-ani ng pag-asa sa mas magandang bukas, ayon nga kay Pope Francis.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,410 total views

 1,410 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,396 total views

 17,396 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,441 total views

 25,441 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,521 total views

 30,521 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,227 total views

 36,227 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,411 total views

 1,411 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,397 total views

 17,397 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,442 total views

 25,442 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 30,522 total views

 30,522 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,228 total views

 36,228 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,175 total views

 44,175 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,100 total views

 41,100 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,414 total views

 55,414 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,104 total views

 59,104 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,707 total views

 57,707 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,694 total views

 67,694 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,662 total views

 71,662 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,549 total views

 82,549 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,988 total views

 94,988 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,746 total views

 105,746 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top