Ipagdasal ang mga nasa NCR Plus Bubble, hiling ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total views

Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng taimtim at maalab na panalangin para sa kapakanan ng bawat isa partikular ang mga nasa tinaguriang NCR Plus Bubble na muling isinailalim sa Enhanced Community Quarantine dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, dapat na magkaisa ang bawat mananampalataya sa pananalangin na mawakasan na ang paglaganap ng virus.

Partikular na hinikayat ng Arsobispo ang pananalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat mula sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na muling isinailalim sa ECQ sa loob ng isang linggo mula ika-28 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.

Ayon kay Archbishop Valles, hindi dapat na ipagsawalang bahala ang pagdurusa at paghihirap ng kapwa mula sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic lalo na ang mga mahihirap at manggagawa na lubos na maaapektuhan ang kita dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ.

Binigyang diin naman ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagtutulungan at ugnayan ng Simbahan at ng mga lokal na pamahalaan upang higit na maipatupad at matiyak ang maghigpit na pagsunod ng bawat isa sa mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Umaasa naman si Archbishop Valles na sa kabila ng muling pagbabawal sa pagsasagawa ng religious activities ngayong Semana Santa ay mapuno pa rin ng pag-asa ang lahat sa pag-ibig at pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 62,613 total views

 62,613 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 62,613 total views

 62,613 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 62,613 total views

 62,613 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 60,688 total views

 60,688 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 55,415 total views

 55,415 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top