Ipaglaban ang pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 473 total views

Mahalaga ang paninindigan ng taumbayan para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan.

Ito ang panawagan ng Promotion of Church Peoples Response (PCPR) sa mga mananampalataya sa patuloy na paglaganap ng karahasan at kaguluhan sa bansa.

Ayon kay PCPR Spokesperson Nardy Sabino, dapat na maipakita ng taumbayan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at paninindigan ang matibay na pananampalataya sa Panginoon lalo na sa negatibo, marahas at mga pagbabanta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayan at Simbahang Katolika.

“Mahalaga po sa ating mga mananampalataya na tumindig para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan lalo na ngayon na may mga salita ng pagpatay lalo sa mga Obispo ng iba’t iba pang marahas na hakbang na lumalaganap sa ating bayan kaya may panawagan sa ating pananampalataya ngayon na ipakita ito, ipahayag yung mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng sama-sama nating pagkilos at pagpapakita ng isang pananampalataya na tayo ay isang bayan at may isang tinig na naghahangad ng kapayapaan at katarungan sa ating bayan…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Sabino ng pakikiisa sa isang malawakang pagtitipon na nakatakdang isagawa ng iba’t ibang sektor ng lipunan at iba’t-ibang denominasyon ng Simbahan para sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kapayapaan.

May titulo ang pagtitipon na One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace na naglalayong ipahayag ang pagkakaisa ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon kasabay na rin ng paggunita sa Bible Month at Week of Prayer for Christian Unity na pangungunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at National Council of Churches in the Philippines.

Isusulong at ihahayag sa pagtitipon ang paninindigan sa ipinagkaloob na biyayang buhay ng Panginoon.

Magaganap ang One Faith, One Nation, One Voice: A Gathering for Truth, Justice and Peace sa ika-25 ng Enero ganap na alas-kwatro ng hapon hanggang alas-syete ng gabi sa Rajah Sulayman Plaza, Malate, Manila.

Naunang nagpahayag ng suporta sa pagtitipon si Manila Auxiliary Bishop Broderick S. Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at ang iba pang mga lider mula sa National Council of Churches, United Church of Christ in the Philippines, Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at maging De La Salle Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 45,916 total views

 45,916 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 45,916 total views

 45,916 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 45,916 total views

 45,916 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 44,489 total views

 44,489 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 40,630 total views

 40,630 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top