Ipagtanggol ang karapatang pantao ng mga api, panawagan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Napapanahon na upang makita at malaman ng mga Filipino lalong lalo na ng mga Kristyano ang kahalagahan ng karapatang pantao.

Ito ang pahayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa paggunita ng Human Rights Day at ika-70 anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Ayon sa Obispo, ang pagpapahalaga sa karapatang pantao ay bahagi ng pakikiisa sa kapwa tao kaya naaangkop lamang na igalang at ipagtanggol ang karapatan ng bawat isa.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mamamayan na ipagtanggol ang karapatan ng mga kabilang sa maliliit na sektor ng lipunan at mga walang sapat na kaalaman at kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mga pang-aapi.

“Sana po ang mga Filipino, lalong lalo na ang mga Kristyano ay makita nila ang kahalagahan ng Human Rights kung gusto nating pahalagahan ang kapwa natin ay dapat igalang natin ang kanilang karapatan at ipagtanggol lalong lalo na ang karapatan ng mga taong maliliit, ng mga taong walang alam at walang kapangyarihan sila dapat ang tulungan natin, so pahalagahan natin ang karapatang pantao bahagi ito ng ating pakikiisa sa ating kapwa…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ginugunita ang Human Rights Day tuwing ika-10 ng Disyembre na araw kung kailan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao.

Nasasaad sa Article 1 ng Universal Declaration of Human Rights na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at mayroong pantay-pantay na karangalan at karapatan.

Nakapaloob rin sa naturang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na ang bawat isa ay may kalayaan at karapatan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pananaw pampulitika, pinagmulang bansa, pagmamay-aring ari-arian kapanganakan at iba pang katayuan sa buhay.

Kaugnay nito, mariin ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 29,666 total reads

 29,666 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 136,194 total reads

 136,194 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 172,981 total reads

 172,981 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 203,557 total reads

 203,557 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 250,774 total reads

 250,774 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top