Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,441 total views

Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30

Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na binitiwan ni Hesus ay, “Ama, patawarin mo sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”

Talaga namang kung minsan, lalo na kapag parang nahihibang ang tao sa paggawa ng masama o pagsuporta sa masamang gawain na akala niya’y nakabubuti, para siyang nawawala sa sarili o hindi alam ang kanyang ginagawa. Pwede palang mangyari kung minsan, na ang ginagawa natin ay “wala lang” para sa atin, pero napakalaking bagay pala para sa iba, o napakatinding sakit o pagdurusa pala ang naidulot nito sa iba.

Parang ganito ang naiiisip ko pag naririnig ko ang kuwento tungkol sa iniutos ng Panginoon kay Moises na ipagawa sa mga Israelita para maligtas sila. Na kung sakaling matuklaw daw sila ng mga ahas sa disyerto—gumawa daw sila ng larawan ng isang tansong ahas at ipulupot ito sa isang poste, itaas at iharap sa mga natuklaw. At ang sinuman daw sa mga natuklaw ang makatitig dito ay matatauhan, mahimasmasan. Siya ay gagaling at maliligtas.

Siguro ito ang ibig sabihin ng Filipino idiomatic expression na “Ipamukha mo sa kanya.” Kumbaga sa bruhang reyna nag-aakalang maganda siya at nagsasabing “mirror mirror on the wall, who’s the fairest of them all?” pagtingin niya sa salamin, saka pa lang niya malalaman, napakapangit pala niya, noon pa lang ito matatauhan na siya pala ay isinumpa, at ang gawain niya’y kasumpa-sumpa.
Pag kuwaresma, isa sa mga pagsasanay na itinuturo ng simbahan sa atin ay ang pagsusuri ng budhi na para bang pagkakataon para humarap sa salamin ang kaluluwa at makita ang ating mga pagkukulang at pagkakasala. Ang Tagalog ng “I CONFESS” ay “INAAMIN KO”. Susi sa sakramento ng pakikipagkasundo ang PAG-AMIN. Pero papaano aamin ang isang tao kung hindi niya alam ang ginagawa niya o wala siya sa sarili? Hindi naman tayo aamin at magsisisi kung hindi muna tayo mamulat sa ating ginagawa, sa pwede nating maidulot na perwisyo sa buhay ng ating kapwa.

May alam akong tao, nasabi niya minsan sa akin na kung gaano daw kasama ang pag-uugali noong bata pa siya, ay siya namang ibinuti niya noong tumanda na siya. Pasaway daw kasi siya noong bata pa siya, walang pakundangan sa damdamin ng mga magulang, lalo na kung makasagot-sagot. Pero nang nag-asawa daw siya at nagkaanak, minsan naranasan niyang sagutin siya nang pabalang ng anak niya, at nasaktan daw nang matindi ang damdamin niya. Pero sa sandaling iyon, para daw niyang nakitang bigla ang sarili niya sa salamin at naisip ang pagsagot-sagot niya sa magulang niya noong bata pa siya, at noon lang siya natauhan sa matinding sama ng loob na naidulot niya lalo na sa nanay niya noong maliit pa siya. Hindi alam ng anak na sa masamang pag-uugali niya, naipamukha nito ang masamang pag-uugaling sa nanay pala niya mismo nakuha.

Ganyan pala ang silbi ng krus. Masyado na lang tayong nasanay: pero isang napakatinding kalupitan ang tinititigan natin kapag tumitingin tayo sa krus: larawan ng Diyos na hindi lang yumakap sa ating pagkatao, niyakap din niya ang ating kasalanan at kawalan ng utang na loob. Ang larawan ng Anak ng Diyos na tumanggap ng pananakit at walang kasing-tinding pagmamalupit ng ng tao, para lang mailigtas ang tao. Ito ang ipinamumukha sa atin ng krus; at ito rin ang susi ng ating pagkahimasmas para tayo matauhan, gumaling at magbago.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 78,848 total views

 78,848 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 86,623 total views

 86,623 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 94,803 total views

 94,803 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 110,355 total views

 110,355 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 114,298 total views

 114,298 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 1,272 total views

 1,272 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 1,274 total views

 1,274 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 1,990 total views

 1,990 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,640 total views

 2,640 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 9,825 total views

 9,825 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,533 total views

 4,533 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 8,286 total views

 8,286 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,417 total views

 7,417 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 7,255 total views

 7,255 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,668 total views

 8,668 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,664 total views

 10,664 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 7,903 total views

 7,903 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 9,228 total views

 9,228 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 8,257 total views

 8,257 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top