Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,161 total views

Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma

9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42

Sapat na sana para sa tatlong kabataang Hudyo sa ating unang pagbasa ang sumunod sa utos ng hari—para hindi sila mapahamak. Simple lang naman ang utos: na sumamba sila sa gintong rebultong ipinagawa ng hari, gaya ng ginawa ng lahat ng mga taga-Babilonia. Pero hindi nila ito ginawa. Pinili nilang suwayin ang hari at harapin ang parusang pagkakatapon sa naglalagablab na pugon. Ayaw nilang sambahin bilang diyos ang isang bagay na, sa paniniwala nila, ay hindi Diyos.

Pakinggan ang matapang na sagot nila sa hari:

“Pasensya na po, O Haring mahal, pero ang Diyos lang namin ang sinasamba namin. Umaasa kaming ililigtas niya kami mula sa naglalagablab na pugon. Pero kahit hindi niya kami iligtas, hindi pa rin kami sasamba sa diyos ninyong iyan.”

Ibig sabihin, ang pananampalataya nila ay hindi nakabase sa resulta—hindi kondisyonal. Hindi nila sinabing sasamba sila sa Panginoon kung ililigtas sila. Malaya na sila—ang tunay nilang kalayaan ay nasa Diyos.

Sa teolohiya at panitikang Kristiyano, kilalang-kilala ang ekspresyong Latin na “Non serviam” (Hindi ako maglilingkod! O ayokong maglingkod). Iniuugnay ito kay Lucifer. Ayon sa isang apokripal na panulat na Judio-Kristiyano na pinamagatang “The Life of Adam and Eve,” kaya raw bumagsak si Satanas ay dahil sa kanyang pagmamataas at pagsuway sa Diyos. Nauna daw na nilalang ng Diyos ang mga anghel mula sa apoy, at pagkatapos nilikha naman si Adan at sangkatauhan. Pero niloob daw ng Diyos na ang tao ang magtataglay ng kanyang hugis at wangis, at inutusan niya mga anghel na maglingkod at magbigay-galang kay Adan. Pero tumutol daw si Satanas at sinabi:

“Bakit mo ako pinipilit? Hindi ako sasamba sa nilikhang mas mababa sa akin. Ako ay nilikhang mula sa apoy, siya’y mula lamang sa putik.”

Kabaligtaran naman ng ugaling ito ang ipinakitang kababaang-loob ni Maria. Nang ipahayag ng anghel ang plano ng Diyos na lulukuban siya ng anghel upang sa sinapupunan nita ay maganap qng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, ang tugon ni Maria ay “Fiat”—“Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong salita.” Hindi lang siya naging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagsang-ayon; naging paraan pa siya ng pagpapalaya ng Diyos sa buong sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan.

Dalawang uri ng pagsamba ang ipinapakita sa atin ng mga pagbasa: ang pagsambang nagpapalaya at ang pagsambang nang-aalipin. Para sa tatlong binata, ang pagsamba sa gintong rebulto ay pagsuko ng sarili sa kapangyarihan ng hari—isang uri ng pagkaalipin. Ang pinili nila ay ang uri ng pagsamba na nakaugat sa katotohanan at paninindigan, at ito ang nagpalaya sa kanila at naging daan ng kaligtasan nila.

Ito rin ang paanyaya ni Jesus sa ating Ebanghelyo. Kaya sinabi niya, “Kung nananatili kayo sa aking salita, kayo’y magiging tunay na mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Parang ganito din ang ibig sabihin nating ni Jesus sa Juan 15:15:

“Hindi ko na kayo tinatawag na alipin, sapagkat ang alipin ay walang alam sa ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, tinawag ko kayong mga kaibigan…”
Isang bagong ugnayan sa Diyos angiIpinakikilala sa atin ni Jesus—hindi na ugnayang nakabase sa takot o pagkakaalipin, kundi sa pag-ibig at paninindigan. Ito ang pag-ibig na tunay na nagpapalaya.

Tama nga si San Juan sa kanyang sulat:

“Walang takot sa pag-ibig, sapagkat ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot. Ang takot ay kaugnay ng parusa, at ang natatakot ay hindi pa ganap sa pag-ibig.” (1 Juan 4:18)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,672 total views

 73,672 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 81,447 total views

 81,447 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,627 total views

 89,627 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 105,213 total views

 105,213 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 109,156 total views

 109,156 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 1,159 total views

 1,159 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 1,328 total views

 1,328 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 1,878 total views

 1,878 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,528 total views

 2,528 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 9,713 total views

 9,713 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,421 total views

 4,421 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 8,174 total views

 8,174 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,305 total views

 7,305 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 7,143 total views

 7,143 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,556 total views

 8,556 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,552 total views

 10,552 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 7,791 total views

 7,791 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 9,116 total views

 9,116 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 8,250 total views

 8,250 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top