Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang “masamang balita” ng Jollibee sa Visita Iglesia

SHARE THE TRUTH

 2,151 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-10 ng Abril 2025
Larawan kuha ng may-akda.

Noong isang taon ko pa ito ibig ilathala nang aking makita sa harapan ng aming simbahan, ang Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima dito sa Valenzuela ang karatula ng pambansang bubuyog ukol sa Visita Iglesia. Sa aking panlasa, hindi bagay, hindi match ang mix na ito. Hindi ito “mabuting balita” ayon sa Jollibee.

Ako man po ay maka-Jollibee. Paborito ko ang kanilang palabok, pangalawa lamang ang Chicken Joy at pangatlo ang Champ bagaman ayoko po ng pagkaing mayroong pinya kaya inaalis ko ito sa dambuhala nilang langhap-sarap na burger.

Subalit tuwing mga Mahal na Araw lalo na noong isang taon, ako ay nalulungkot sa Jollibee. Marahil pati ang langit at maaring lumuluha sa lungkot ang mga anghel tuwing nakikita si Jollibee masayang-masaya kung Biyernes Santo kasi masama sa panlasa ang kanilang kampanya sa Visita-Iglesia.

Hindi yata Katoliko si Jollibee tulad ng karamihan sa ating mga Pilipino bagamat mayroong ilan silang mga tinadahan na binasbasan at minimisahan ng obispo at mga pari tuwing pinasisinayangan at nagdiriwang ng anibersaryo.

Larawan mula sa Facebook.

Noong isang araw aking nakita ang post sa Facebook ng maraming taong-simbahan kasama ilang mga pari na pinupuri ang Jollibee sa kanilang advertisement ng Visita Iglesia sa mga simbahan sa buong kapuluan kasama na kanilang mga tindahan mayroong mapa ng simbahang maaring puntahan upang manalangin at mag-peregrinasyon (pilgrimage po) kasama na ang pinaka-malapit sa kainan ng Jollibee. Marami ang pumuri sa Jollibee sa naturang kampanya. Sabi ng isang uploader, “Kudos kay Jollibee ah.. very catholic.”

Sorry po. Hindi po yata tama ang inyong caption. Sa unang tingin, tila maganda pero kung susuriin natin, mali. Hindi po ito Catholic practice dahil ito ay salungat sa hiling sa atin ng Simbahan noon pa mang simula na magkaroon ng pagsasakripisyo tuwing panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw.

Sa katunayan, ang turo ng Simbahan ay mag-ayuno tuwing Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo bilang pagninilay at pakikiisa sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesu-Kristo doon sa krus mahigit dalawang libong taon na ang nakalipas. Totoo na hindi na mamatay si Jesus at hindi naman nating kailangang malungkot at malumbay sa mga panahong ito ngunit, paano tayo makapagninilay at dasal ng taos kung nasa isip natin ang pagsasaya ng pagkain ng masasarap tuwing Mahal na Araw o Biyernes Santo?

Ipagpaumanhin po ninyo lalo ng mga kaibigan ko sa Jollibee, malinaw na ang kanilang Visita-Iglesia campaign ay commercialization ng ating banal na tradisyon at gawaing Katoliko. Sa halip na makatulong ang Jollibee kasama na ang iba pang mga fastfood chain na mayroong Lenten special meals sa paggunita ng mga Mahal na Araw na maranasan man lamang nating mga Filipino muli ang tunay na diwa ng Paskuwa ng Panginoong Jesus, ito ay kanilang winawasak. Hindi nga po tayo dapat kumain bilang bahagi ng panawagang mag-ayuno o fasting tuwing Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo. Ito ang hindi batid ng mga fastfood chain: tuwing sasapit ang Kuwaresma, palagi silang nag-aalok ng fish sandwich at iba pang pagkaing walang karne bilang bahagi ng fasting (edad 18-59) at abstinence.


Nasaan na ang panawagang mag-sakripisyo para sa mga banal na gawain ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw tulad ng Visita Iglesia kung ang hahantungan ay Jollibee o mga fastfood?

Inuulit ko po na wala tayong layuning siraan ang Jollibee na naghatid ng maraming karangalan sa ating bayan lalo na sa larangan ng pagkain at negosyo kung saan ay inilampaso ng isang bubuyog ang dambuhalang McDonalds ng Amerika pati na sa ibang bahagi ng Asya. Sa larangang ito ng panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw, sa aking pananaw ay lumabis ang Jollibee sa kanilang gimik na Visita-Iglesia. Sa katunayan, mayroon ako nabasa sa ibang bahagi na tinatawag nila itong “Bee-sita Iglesia.” Wala po sa hulog at pokus ang kanilang kampanya na tila mayroong pagkapagano dahil malapit na itong maging idolatry. Hindi magtatagal, baka ang darasalin na ng mga bata ay “Jollibee to the Father and to the Son and the Holy Spirit…”

Ang pinakamasakit sa lahat ay makita ang mga fastfood chain tuwing Biyernes Santo na umaapaw sa mga tao – daig pa mga simbahan – na tila wala na yatang pagpapahalaga sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesus para sa atin.

Batid ko po na pakaunti ng pakaunti ang mga mananampalataya na hindi na nag-aabstinensiya at ayuno tuwing Biyernes Santo. Magiging malala pa ito sa ganitong uri ng kampanya ng Jollibee tuwing Visita-Iglesia. HIndi ba sila maaring mangilin kung Biyernes Santo man lang? O, kahit mula alas-dose ng tanghali ng Biyernes Santo hanggang alas-singko ng hapon sa paglabas ng prusisyon? Hintayin man lamang sana ng mga fastfood chain at restaurant na “malibing” ang Panginoon bago sila magbukas ng tindahan nila.

Hindi ba malaking kabalintunaang makita sa araw ng ating pagninilay sa mga hirap ng Panginoong Jesu-Kristo ay naroon pa rin ang pagsasaya ng mga tao na para tayong mga pagano kumakain at nagsasaya?

Ang mga Mahal na Araw ay inilalaan upang magnilay ng taos sa ginawang pagliligtas sa atin ng Panginoon. Hindi naman natin ikamamatay ang hindi pagkain sa Jollibee ng isang raw lang tulad ng Biyernes Santo sa buong taon. At lalo namang hindi ipaghihirap at ikalulugi ng Jollibee sa sila man ay mangilin man lamang tuwing Biyernes Santo. Amen.

Larawan kuha ng may-akda, Kapilya ng Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 17 Marso 2025.
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,507 total views

 73,507 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 81,282 total views

 81,282 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,462 total views

 89,462 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 105,052 total views

 105,052 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,995 total views

 108,995 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

WITHOUT DOUBT

 1,310 total views

 1,310 total views Gospel Reading for April 11, 2025 – John 10: 31-42 WITHOUT DOUBT The Jews picked up rocks to stone Jesus. Jesus answered them,

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

DAMPEN OUR SPIRITS

 1,499 total views

 1,499 total views Gospel Reading for April 10, 2025 – John 8: 51-59 DAMPEN OUR SPIRITS Jesus said to the Jews: “Amen, amen, I say to

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

TRULY FREE

 1,570 total views

 1,570 total views Gospel Reading for April 9, 2025 – John 8: 31-42 TRULY FREE Jesus said to those Jews who believed in him, “If you

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

CLOSER LOOK

 1,692 total views

 1,692 total views Gospel Reading for April 08, 2025 – John 8: 21-30 CLOSER LOOK Jesus said to the Pharisees: “I am going away and you

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

JUST AT OUR FINGERTIPS

 1,947 total views

 1,947 total views Gospel Reading for April 7, 2025 – John 8: 12-20 JUST AT OUR FINGERTIPS Jesus spoke to them, saying, “I am the light

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

OLD ENOUGH TO DIE

 2,057 total views

 2,057 total views Gospel Reading for April 6, 2025 – John 11: 1-45 (US Catholic Bishop’s Conference) OLD ENOUGH TO DIE Now a man was ill,

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

DATA GATHERING

 2,201 total views

 2,201 total views Gospel Reading for April 5, 2025 – John 7: 40-53 DATA GATHERING Some in the crowd who heard these words of Jesus said,

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

HUMAN

 2,383 total views

 2,383 total views Gospel Reading for April 4, 2025 – John 7: 1-2, 10, 25-30 HUMAN Jesus moved about within Galilee; he did not wish to

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

SELECTIVE

 2,374 total views

 2,374 total views Gospel Reading for April 3, 2025 – John 5: 31-47 SELECTIVE Jesus said to the Jews: “If I testify on my own behalf,

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

BENEFIT

 2,382 total views

 2,382 total views Gospel Reading for April 2, 2025 – John 5: 17-30 BENEFIT Jesus answered the Jews: “My Father is at work until now, so

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

CORRECT

 2,350 total views

 2,350 total views Gospel Reading for April 1, 2025 – John 5: 1-16 CORRECT There was a feast of the Jews, and Jesus went up to

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

TRULY VERY IMPRESSIVE

 2,691 total views

 2,691 total views Gospel Reading for March 31, 2025 – John 4: 43-54 TRULY VERY IMPRESSIVE At that time Jesus left [Samaria] for Galilee. For Jesus

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

COMING BACK

 2,780 total views

 2,780 total views Gospel Reading for March 30, 2025 – Luke 15: 1-3, 11-32 COMING BACK Tax collectors and sinners were all drawing near to listen

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

USELESS

 2,780 total views

 2,780 total views Gospel Reading for March 29, 2025 – Luke 18: 9-14 USELESS Jesus addressed this parable to those who were convinced of their own

Read More »
Blog - Rev. Fr. Jerico Habunal
Rev. Fr. Jerico Habunal

INSEPARABLE

 2,285 total views

 2,285 total views Gospel Reading for March 28, 2025 – Mark 12: 28-34 INSEPARABLE One of the scribes came to Jesus and asked him, “Which is

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top