273 total views
Makipag-isa sa mga inuusig at ipanalangin ang mga nang-uusig.
Ito ang mensahe ni CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David matapos pangunahan ang banal na misa sa ikatlong taon ng Red Wednesday campaign sa Pilipinas noong ika-27 ng Nobyembre.
Ayon sa Obispo, hindi dapat maging manhid ang mga mananampalataya sa kanilang kapwang naghihirap, inuusig, nakararanas ng karahasan at pinapaslang.
Bagkus, inihayag ni Bishop David na kailangang maramdaman ito ng bawat isa dahil ang lahat ng mananampalataya ay bahagi ng iisang katawan ng Panginoon.
“In Tagalog, we would say, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Meaning, it is a good sign when we are able to feel the pain of the other parts of the Body of Christ. What is bad is when we don’t feel it at all, when we remain indifferent about it. When Christians behave this way, it could only mean that the body is sick, that some parts are probably numb or festering with gangrene.” pagninilay ni Bishop David.
Dahil dito, panalangin din para sa mga taong nang-uusig at gumagawa ng karahasan ang hiling ni Bishop David.
Aniya, hindi dapat mawalan ng pag-asa na magkakaroon ng conversion o makapagbabalik loob at tatalikdan ng mga nang-uusig ang kanilang mga nagawang kasalanan.
Umaasa ang Obispo na mararamdaman ng mga mang-uusig na sila ay itinuturing nating mga kapatid dahil ang bawat isa ay nilalang sa wangis at imahe ng Panginoon.
“And so today, at this Eucharist, as we commune with Christ, we must learn to say to those who hate us, “You may consider us your enemy, but we will never treat you as our enemy. That is why we pray for you—because you are also our brothers and sisters, fellow creatures in God’s image and likeness, and called to grow into sons and daughters of the same God. We pray for you that God may allow you to see the light. We are not at war with you.” Dagdag pa ni Bishop David.
Ngayong 2019 mahigit 2-libong simbahan, paaralan, unibersidad at institusyon ang nakibahagi sa ikatlong taon ng Red Wednesday campaign.
Maging ang himpilan ng Radyo Veritas ay nag-alay ng panalangin, at banal na misa bilang pakikiisa sa pag-alala sa mga persecuted Christians.
Layon naman ng Aid to the Church in Need Philippines na idulog sa Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagtatalaga sa Red Wednesday bilang opisyal na taunang pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa buong Pilipinas.