Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

500 day countdown sa ika-500 taon ng Katolisismo, ilulunsad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

 351 total views

Ilulunsad ng Arkidiyosesis ng Cebu ang 500-day Countdown sa paggunita ng unang binyag sa Pilipinas sa unang araw ng Disyembre ang unang linggo ng Adbiyento at pagbubukas sa Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous People.

Ayon kay Fr. Mhar Balili, ang Secretary General ng Quincentennial Anniversary ito ay hudyat din ng pagsisimula sa year-long celebration ng ika-limang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa 2021.

Sisimulan ang paglulunsad sa isang Misa na pangungunahan ni Archbishop Jose Palma kasama ang mga pari ng arkidiyosesis ganap na alas sais ng umaga sa Basilica Minore Del Santo Niño de Cebu.

“Magsisimula ito of course sa Holy Mass then after sa mass i-unveil natin ang countdown clock then ang blessing sa 2021 Jubilee Cross,” pahayag ni Fr. Balili sa Radio Veritas.

Ang pagbabasbas sa Tindalo Cross o ang replica ng Magellan’s cross ang isa sa mga tampok na gawain sapagkat ito rin ang magsisilbing Jubilee Cross na iikot sa mga diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa habang naghahanda sa ika-500 anibersaryo ng katolisismo.

Pagbabahagi pa ni Fr. Balili matapos ang pagbabasbas sa Jubilee Cross magsisimula na rin itong iikot kasama ang pilgrim image ng Santo Niño De Cebu kung saan una itong tutungo sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Napagkasunduan ng arkidiyosesis na ang unang 250 araw ng pag-ikot sa Jubilee Cross at imahe ng Santo Niño ay sa mga parokya ng Cebu habang ang nalalabing 250 araw ay sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis naman ng Pilipinas.

Batay sa kasaysayan naganap ang unang binyag sa Pilipinas noong ika – 14 ng Abril 1521 kung saan inihandog ni Ferdinand Magellan kay Reyna Juana ang imahe ng batang Hesus.

Puspusan naman ang pakikipagtulungan ng mga Agustinong Pari ng Order of St. Augustine Province of Santo Niño de Cebu sa Simbahang Katolika sa Pilipinas sapagkat ang kanilang grupo ang unang misyonero sa bansa at nangangalaga sa mapaghimalang imahe ng Santo Niño mula noong ika-15 siglo.

Inaanyayahan ni Fr. Balili ang mananampalataya lalo na sa Cebu na makiisa sa mahalagang gawain para sa pananampalatayang Katoliko.

Paalala naman ng pamunuan ng Basilica Minore del Santo Niño sa mga dadalo na mahigpit ipatutupad ang ‘NO BACKPACK Policy’ para sa seguridad ng mamamayan at pagsara ng Osmena Boulevard at P. Burgos Sreet sa Cebu City mula alas kuwatro ng umaga hanggang matapos ang selebrasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,969 total views

 5,969 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,953 total views

 23,953 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,890 total views

 43,890 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,086 total views

 61,086 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,461 total views

 74,461 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,115 total views

 16,115 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,257 total views

 23,257 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top