183 total views
Ito ang kahilingan ni Laoag Bishop Renato Mayugba sa Kanyang Kabanalan Francisco sa maiksing pagkakataon ng kanilang pagkikita sa General Audience ng Santo Papa sa St. Peter’s Square sa Vatican noong ika – 10 ng Oktubre 2018.
“Seconds lang yung pagkikita namin kasi General Audience yun, I ask him to pray for me.” pahayag ni Bishop Mayugba sa Radio Veritas.
Mahalaga ang pagtatagpo ng Obispo at ng Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika dahil ito ay pagpapakita ng pakikipagkaisa sa hangarin na gabayan ang kawan ng Diyos na iniatang ng Panginoon sa bawat Pari.
Si Bishop Mayugba ay kasalukuyang nasa Roma para sa pagproseso ng mga dokumento upang maging Minor Basilica ang Diocesan Shrine of La Virgen Milagrosa de Badoc sa Ilocos Norte.
Isinagawa noong ika-31 ng Mayo, 2018 ang Pontifical coronation sa La Virgen Milagrosa de Badoc.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Coronation matapos aprubahan ng Congregation of Divine Worship and Discipline of the Sacraments sa pamamagitan ng Papal Decree noong ika 6 ng Disyembre 2017 ang pagputong ng korona sa Mahal na Birheng Milagrosa de Badoc.