Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbubukas ng Boracay sa mga Turista, ikinatuwa ng TCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Ikinatuwa ng grupong pangturismo ang pag-usad ng rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ayon sa Tourism Congress of the Philippines, nakikiisa ito sa hangarin ng pamahalaan na maisaayos ang kapaligiran ng buong isla para sa kapakanan ng mamamayan at mga turistang dadayo sa lugar.

Iginiit ni Jose Clemente III, Pangulo ng TCP na magkapareho man ng layunin ang kanilang grupo at pamahalaan ay iba ito sa kanilang pananaw dahil sa biglaang desisyon na isara sa publiko ang Boracay para sa rehabilitasyon.

“Sa pananaw ng gobyerno kasi ang ginawa nila parang biglaan, ang samin kung gagawin yan sa buong bansa dapat talaga ay nakalapat ang plano para tuloy-tuloy ang trabaho mabilis magagawa.” pahayag ni Clemente sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Opisyal na marapat lamang manatiling malinis ang buong kapaligiran lalo na ang mga lugar pasyalan sa bansa upang maging kaaya-aya sa mga bisita.

Magugunitang ika – 26 ng Abril ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsara sa isla ng Boracay para sa rehabilitasyon makaraang nakitaan ng paglabag sa batas pangkalikasan ang higit isandaang establisimiyento.

Sa muling pagbubukas ng Boracay sa ika – 26 ng Oktubre ay mahigpit na ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang mga ordinansang pipigil sa makalat na kapaligiran tulad ng pagbabawal sa plastic, paninigarilyo, pag-iinom ng alak at pagpa-party sa tabing dagat.

Bukod dito ay lilimitahan din ang papasok na mga turista sa 6,000 kada araw upang hindi maging over crowded ang Boracay na isa sa naging sanhi ng polusyon sa lugar.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na tatalima ang bawat mamamayan at dayuhang turista sa mga batas na ipatutupad upang maiwasang maulit muli ang pagkasira ng isla na higit nakakaapekto sa mga residenteng naninirahan dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baha ng disimpormasyon

Mga Kapanalig, habang isinasagawa noong nakaraang linggo ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (o ICC), pinutakte sa social

Read More »

“Virus of impunity”

Mga Kapanalig, may kakilala ba kayong naging disipulo ni dating Pangulong Duterte na uhaw sa dugo at naniniwalang ang karahasan at pagpatay ang tanging solusyon

Read More »

Kaya ng Pilipina

Mga Kapanalig, Happy Women’s Month! Sa taóng ito, ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay “Lead like the Babaylans, Filipinas!”. Binibigyang-diin nito ang

Read More »

TALO NA NAMAN ANG MGA PILIPINO

Sa ating mga manggagawang Pilipino, ang hindi pagpasok ng isang araw sa trabaho ay napakalaking kawalan sa ating pamumuhay. Katumbas ng isang araw na bawas

Read More »

KUWARESMA

KUWARESMA (LENT), ito ay 40-araw bago mag-Easter o lingo ng pagkabuhay ng panginoong Hesu Kristo… Ang manunubos ng kasalanan ng sangkatauhan. Sa mga Katolikong Kristiyano,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES