Pagdalaw ng ‘Incorrupt Heart’ ni Padre Pio, Biyaya ng mananampalatayang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Itinuturing na isang pambihirang biyaya sa Pilipinas ang pagdalaw ng ‘Incorrupt heart’ ni Santo Padre Pio na mula sa Italya.

Ang Minor Basilica of the Immaculate Conception ng Archdiocese of Manila ay naging bahagi din sa ‘Nationwide Tour’ ng heart relic ni Padre Pio.

Ayon kay Fr. Reginald Malicdem–Rector ng Manila Cathedral, napapanahon ang naging pagbisita ng hindi naaagnas na puso ni Santo Padre Pio sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo na muling pagkakatayo ng Manila Cathedral matapos itong masira noong ikalawang digmaang pandaigdig.

“Napakalaking biyaya mula sa Diyos na madalaw tayo dito sa Manila Cathedral ng ‘Incorrupt Heart’ ni Padre Pio lalong lalo na po sa taong ito na nagdiriwang ang Manila Cathedral ng 60th anniversary ng pagkakatayong muli pagkatapos na masira noong World War II kaya isa sa mga parang naging main event tuloy nung celebration,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Malicdem sa panayam sa Radio Veritas.

Nagpaabot din ng pasalamat ang buong pamunuan ng Manila Cathedral na siyang kauna-unahang Cathedral sa Pilipinas at itinuturing na ‘Mother Church’ ng bansa.

Ayon sa pari, nagsisilbing daan ang ‘incorrupt heart’ ni Padre Pio upang muling makabalik sa kanilang ‘Inang Simbahan’ ang mga mananampalataya na mula sa iba’t ibang lalawigan para maipamalas ang maalab na pananampalataya at debosyon.

“Palagi nga naming sinasabi ang Manila Cathedral bilang unang-unang Cathedral sa buong Pilipinas ay parang Mother Church at ngayon talagang dahil sa biyaya ng pagdalaw ni Padre Pio parang nag-uwian lahat ng mga anak ng Manila Cathedral mula sa iba’t ibang lugar, pumupunta dito, dito sa lugar na ito dahil na rin nga sa pagdalaw ni Padre Pio,” dagdag pa ni Fr. Malicdem.

Ibinahagi naman ni Fr. Kali Llamado–Vice Rector ng Manila Cathedral ang pagkamangha ng pamunuan ng Simbahan sa dami ng mga deboto na dumagsa upang makibahagi sa 2-araw na ‘public veneration’ ng ‘incorrupt Heart of Saint Padre Pio’.

Ayon sa Pari, bukod sa buhay at maalab na pananampalatayang naipamalas ng mga deboto ni Santo Padre Pio ay hindi rin matatawaran ang naipakitang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang samahan at organisayon na naging katuwang ng mga kawani ng Manila Cathedral upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa public veneration.

“Unang una nagulat kami dahil ang preparation namin ay hindi po para sa ganung kalaking dami ng tao at napakadaming tao kaya talagang surprise, surprise, very surprise kami at the same time very overwhelm din dahil sa pananampalatayang pinakita ng mga tao at lahat po ng tumulong sa amin na pinakita natin kung paanong ang mga Katoliko ay nagsasama-sama, natutulong tulong para sa isa’t isa,” ayon kay Fr. Llamado.

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral, tinatayang aabot sa 120,000 hanggang 160,000 ang bilang ng mga debotong nakibahagi sa 2-araw na public veneration sa Manila Cathedral na bahagi ng Nationwide Tour ng Incorrupt Heart ni St. Padre Pio sa bansa na may temang “Healing and Reconciliation”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,738 total reads

 10,738 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 231,356 total reads

 231,356 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 266,029 total reads

 266,029 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,929 total reads

 281,929 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,668 total reads

 317,668 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 49,439 total reads

 49,439 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top