Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipatupad lamang ang Juvenile Justice and Welfare Act

SHARE THE TRUTH

 762 total views


Mga Kapanalig, inaprubahan noong nakaraang Martes ng Sub-Committee on Correctional  Reforms sa Mababang Kapulungan ang panukalang substitute bill na naglalayong panatilihin sa 15 taong gulang ang minimum age of criminal responsibility o MACR. Sumang-ayon ang mga kasapi ng komite na tutukan na lamang ang epektibong pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act sa halip na ibaba sa siyam na taong gulang ang edad kung kailan ituturing nang kriminal ang isang tao. Magandang balita po ito.

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, ang pamamalakad ng mga Bahay Pag-asa—o mga pasilidad na kumakalinga sa mga batang nagkasala sa batas na dati’y nasa ilalim ng mga lokal na pamahalaan—ay ililipat na sa DSWD. Sa paraang ito, inaasahang mas matitiyak na ang mga Bahay Pag-asa ay sumusunod sa mga pamantayan upang hindi sila magmistulang mga kulungan. Matitiyak ding may nakalaang pondo para sa mga intervention programs para sa mga batang nagkasala sa batas na maaaring gawin sa kanilang mismong pamayanan, sa mga youth facilities, o sa Bahay Pag-asa. Maging ang mga magulang ay daraan sa mandatory intervention programs katulad ng counselling at parenting seminars. Papatawan din ng mas mahabang panahon ng pagkakakulong ang mga taong gumagamit ng mga bata sa kanilang mga iligal na gawain katulad ng mga sindikato.

Gayunman, marami pa ring kailangang linawin sa panukalang substitute bill, katulad ng anyo at programa ng mga agricultural camps at training facilities kung saan dadalhin ang mga batang nagkasala sa batas na nahatulan na ng korte. Ang tanong: Ano ang mga ilalagay na mekanismo upang hindi malabag ang mga karapatan ng mga batang dadalhin sa mga lugar na ito? May probisyon ding nagsasabing ipipiit ang mga magulang na mabibigong sumailalim sa mandatory intervention program at patuloy na magiging pabaya sa kanilang mga anak. Ang tanong: Kanino ibibigay ang pangangalaga sa mga batang kanilang maiiwan habang nakakulong? Ilan lamang ang mga ito sa mga kailangang pag-aralan nang maigi.

Mga Kapanalig, nasa puso ng mga katuruang panlipunang ng ating Santa Iglesia ang paggalang sa dignidad at karapatan ng mga bata. Naniniwala ang Simbahang ang mga karapatan ng mga bata ay dapat na pinapangalagaan sa ating mga batas at sistemang pangkatarungan. Naniniwala rin tayong laging nariyan ang pag-asang magbago ang mga batang nagkasala sa batas, kung bibigyan sila ng sapat na tulong at hindi natin sila babansagang mga “batang kriminal”. Patuloy na hamon ang pagsusulong ng mga alternatibo sa marahas na pagpaparusa gaya ng pagkukulong.

Rehabilitasyon, hindi pagbibilanggo, ang tunay na makapagtutuwid sa pagkakamali ng mga batang nagkasala sa batas. Rehabilitasyon ang makapagbibigay sa kanila ng pagkakataong magbagong-buhay sa piling ng kanilang pamilya. Mainam kung magagawa ang paggabay mga batang ito sa kanilang pamayanan; community-based intervention, ‘ika nga sa Ingles. Sa epektibong pagpapatupad ng Juvenile Justice and Welfare Act, mabibigyan ng akmang tulong ang mga batang nagkasala sa batas, at mapipigilan rin ang ibang mga batang masangkot o makagawa ng krimen.

Mga Kapanalig, bilang mga “duty bearers”, nakaatang sa balikat nating mga nakatatanda ang pagtiyak na ang pinakamabuting interes (o best interest) ng bata ay napangangalagaan, biktima man sila mga karahasan o mismong nagkasala sa batas. Hindi karahasan ang makapagtutuwid ng anumang kamalian. Sabi nga ng ating Panginoong Hesus, “Ingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: Ito ay sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 18:10).

Patuloy nating subaybayan ang panukalang batas hinggil sa pagtrato sa mga batang nagkasala sa batas. Nawa’y tunay ngang maipatupad ang Juvenile Justice and Welfare Act. Tiyakin nating ang dignidad ng mga batang nagkasala sa batas ay mapangangalagaan at, kasabay nito, tulungan din natin, sa abot ng ating makakaya, ang mga taong nagawan nila ng mali.

Sumainyo ang katotohanan.

 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,275 total views

 69,275 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,050 total views

 77,050 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,230 total views

 85,230 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,842 total views

 100,842 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,785 total views

 104,785 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,276 total views

 69,276 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 77,051 total views

 77,051 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,231 total views

 85,231 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 100,843 total views

 100,843 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 104,786 total views

 104,786 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,402 total views

 59,402 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,573 total views

 73,573 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,362 total views

 77,362 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,251 total views

 84,251 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,667 total views

 88,667 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,666 total views

 98,666 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,603 total views

 105,603 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,843 total views

 114,843 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,291 total views

 148,291 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,162 total views

 99,162 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top