Tulungan ang mga kapus-palad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total views

Ito ang hamon ni Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual sa 660 scholars sa Metro Manila na nagtapos ng kolehiyo sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ng Caritas Manila.

 

Ayon kay Fr. Pascual, hindi nagwawakas sa apat na sulok ng silid-aralan ang kuwento ng mga nagsipagtapos na iskolar bagkus simula pa lamang ito ng kanilang paglalakbay sa panibagong mundo kung saan kasama at kaagapay nila si Kristo.

 

“Palagi tayong magpasalamat sa Diyos at magdasal na bigyan tayo ng magandang trabaho upang makatulong sa pamilya, makalaya sa kahirapan gayundin ay patuloy tayong maglingkod sa ating mga parishes at communities, makapagpay forward at makatulong din sa mga batang mahihirap na nagnanais magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon at paglago bilang lingkod ng Panginoon,” pahayag ni Fr. Anton.

 

Nagpasalamat din ang pari sa mahigit 7,000 donors ng YSLEP na pangunahing sumusuporta upang matustusan ang pag-aaral ng mahihirap na kabataan. Ngayong taon umabot sa 880 ang bilang ng YSLEP college at vocational-technical school graduates sa buong Pilipinas kung saan ang 660 ay mula sa Metro Manila.

 

Kabilang dito si Maria Tacianne Funes ng University of Rizal System na inalay sa Caritas Manila ang kanyang pagiging Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Fisheries.

 

“Bukod sa financial assistance na ipinagkakaloob ng YSLEP, nakatulong po talaga ng malaki sa’kin ay ‘yung mga values formation to have a closer relationship to God and to strengthen our faith. As a student po siyempre na-aapply mo yun sa buhay mo whenever there are challenges in school and whenever you are going to decide, mahalaga ‘yung nagdarasal ka at humihingi ng guidance kay Lord,” kuwento ni Funes.

 

Kaugnay nito una nang binigyang pagkilala ang mga YSLEP scholars sa Luzon, Visayas at sa Mindanao.

 

Magugunitang nagsimula noong 1953 ang pagbibigay ng scholarship grant ng Caritas Manila sa ilalim ng Educational Assistance Program na mas pinalawig pa at naging YSLEP noong 2008 na siyang napagpatapos ng 4000 mahihirap na kabataan.

 

Patuloy namang naninindigan si Fr. Pascual na kung mabibigyan ng maayos na edukasyon ang bawat isa ay makakaahon ang bansa sa kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 20,842 total views

 20,842 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 42,847 total views

 42,847 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 67,189 total views

 67,189 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 91,018 total views

 91,018 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 125,252 total views

 125,252 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 18,524 total views

 18,524 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,461 total views

 235,461 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top