Itama ang mali sa halip na ikulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

Hindi solusyon ang pagpapakulong sa mga batang nagkasala sa nagaganap na karahasan sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Sr. Zeny Cabrera ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Sr. Cabrera sa halip na ibaba ang edad ng criminal liability ay dapat pagtuunan ang mga paglabag at pang-aabuso ng mga nakatatanda sa mga bata.

“Ngayon nakakakilabot isipin na ang isang bata na kulang pa sa kamalayan ay ilalagay sa isang lugar na hindi siya dapat naroroon kundi dapat siya ay nasa close na pangangalaga ng mga magulang. So ang bagay na ito, sa palagay ko, ang pagpapasa o hindi pagpapasa ng Bill na ito ay aksaya unang-una. Kasi dina-divert nila ang atensyon ng tao. Pag-aaksaya sa paguusap,” ayon kay Sr. Cabrera.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa 800,000 naiulat na pusher at user ng ilegal na droga may 24,000 ang mga minor de edad kung saan 20 porsiyento sa mga ito ay pawang nasa edad 15 taon pababa at dalawang porsyento lamang ang mga batang ito o katumbas ng 400 bata ang nagbebenta ng droga.

Hinihikayat din ng madre ang mga mambabatas na suriin ang kanilang sarili kung papaya sila na makulong ang kanilang menor-de-edad na nagkasalang mga anak.

“Ang parusa ay hindi paraan, hindi tugon para itama ang isang bagay, lalo na when it concerns home life, family life. This is an issue that should be discussed among families. Itong mga legislators natin dapat magkaroon sila ng pusong maka-pamilya, kung mayroon tayong maka-panalig, dapat meron ding maka-pamilya,” dagdag pa ni Sr. Cabrera.

Sa panig ng simbahan, may programa ang Archdiocese ng Manila para sa mga kabataang nagkakasala sa batas o ang ‘Children in conflict with the law’ kabilang dito ang Youth Deception Centers, Bahay Pag-asa, Bahay Aruga at Yakap Bata sa pakikipagtulungan na rin ng ilang mga lokal na pamahalaan.

Sa mga tanggapang ito ay tinutulungan ang kabataan na maging kapaki-pakinabang sa lipunan, makapag-aral at ang pagbibigay ng katesismo bilang gabay sa kanilang espiritwal na pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 53,470 total views

 53,470 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 53,470 total views

 53,470 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 53,470 total views

 53,470 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 51,843 total views

 51,843 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,353 total views

 47,353 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top