Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ituon ang pamumuhay kay Hesus, hamon ni Cardinal Tagle sa mga Pari, relihiyoso at relihiyosa

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa na sikaping ituon ang pamumuhay sa Panginoong Hesus.

Ito ang inihayag ng Arsobispo sa pagninilay sa banal na misa para sa mga namayapang pari, relihiyoso at relihiyosa ng Archdiocese of Manila, na ginanap sa Chapel ng Arzobispado de Manila sa Intramuros, ika-8 ng Nobyembre.

“Let us practice now the dispositions that will make us really focused on eternity, which is not the afterlife, which is not the after world but, very concretely Jesus in us.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ayon sa Kardinal, minahal at tinanggap ng Panginoong Hesus ang mga tao sa kabila ng hindi kaaya-ayang kalagayan nito.

Umaasa ang Kardinal na matularan ng mga mananampalataya lalo’t higit ng mga pari, relihiyoso at relihyosa.

“I love you even if it’s not pleasurable, even if it’s not useful for me, in fact you are a liability to me but I’m not thinking of that, I’m not thinking of what comes back to me I’m thinking of you so it’s literally I love you…This is what Jesus did to us… And we hope that we grow in that other directed action of life called love for that is an experience of eternal life.” Pahayag ng Kardinal.

Ang banal na misa para sa mga yumaong pari, relihiyoso at relihiyosa, ay bahagi na ng kaugalian ng Archdiocese of Manila.

Batay sa fourth edition ng Enchiridion of Indulgences, 1999, ang mga mananampalatayang mananalangin para sa mga kaluluwa sa purgatoryo at bibisita sa mga sementeryo mula unang araw hanggang ikawalong araw ng Nobyembre ay makatatanggap ng Plenary Indulgence.

Samantala, ang buong buwan ng Nobyembre ay itinalaga ng simbahan upang alalahanin at ipanalangin ang lahat ng namayapa at mga kaluluwa sa purgatoryo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,993 total views

 13,993 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,930 total views

 33,930 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,190 total views

 51,190 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,726 total views

 64,726 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,306 total views

 81,306 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,491 total views

 7,491 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 165,524 total views

 165,524 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 109,370 total views

 109,370 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top