CFM, nagpahayag ng suporta kay VP Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total views

Nagpahayag ng suporta ang Christian Family Movement (CFM) kay Vice President Leni Robredo sa pagtanggap sa alok ng administrasyong Duterte na maging drug czar o co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isinapublikong pahayag ng CFM, tiniyak nito ang pagbibigay ng suporta kay Vice President Robredo sa panibagong misyon nito na mawakasan ang problema ng illegal na droga sa bansa.

“The Christian Family Movement (CFM), a national organization that promotes and protects the sanctity of marriage, family and Christian faith among families in the country and abroad, with chapters and units in many dioceses and parishes nationwide, supports the decision of Vice President Leni Robredo in accepting the challenge and offer of President Duterte to be the Co-Chair of the Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).” pahayag ng CFM

Naniniwala rin ang CFM na bagamat marami ang nagdududa sa tunay na layunin ng administrasyong Duterte ay isa itong pagkakataon kay VP Robrero na tuwirang isulong ang makataong pagtugon sa suliranin ng droga sa bansa.

Kumbinsido ang CFM na magiging pananag ang mamamayan sa pagiging bahagi ni Robredo ng ICAD at kampanya kontra droga ng administrasyon na nababalot ng karahasan.

“While some people think that it could be a trap for the Vice President to fail and become a scapegoat, we in CFM believe that it is a wonderful opportunity to help in stopping the unlawful operations or extra judicial killings being perpetrated by some elements against hapless drug suspects. It could also be a chance to enforce the strict observance of the rule of law in the conduct of the campaign against illegal drugs in the country. Her presence in the council could also create a favorable occasion to bring to justice those involved in illegal operations or extra judicial killings.” Pahayag ng CFM

Ang Christian Family Movement ay isang organisasyon na nagsusulong sa pagprotekta ng kasagraduhan ng kasal, pamilya at pananampalataya sa Panginoon sa buong bansa.

Matatandaang naunang nagpahayag ng suporta ang ilang opisyal ng Simbahan Katolika sa matapang na pagtanggap at pagharap ni Robredo sa hamon ng administrasyon.

Read: Pagiging drug czar ni Robredo, pinuri ng mga opisyal ng CBCP

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 204,963 total views

 204,963 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 235,186 total views

 235,186 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 261,831 total views

 261,831 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 356,804 total views

 356,804 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 364,462 total views

 364,462 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top