Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jaro Archdiocese, inindorso ang MASA-MASID at UBAS

SHARE THE TRUTH

 377 total views

Inindorso ng Archdiocese of Jaro ang programa ng Department of Interior and Local Government na MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga at ang programang UBAS o Ugnayan ng Barangay at Simbahan.

Sa Pastoral Statement ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo na may titulong “Unleashing the Power of Love and Mercy”, hinikayat nito ang mga namumuno sa simbahan, negosyante, professionals at lahat ng mga mananampalataya na maglaan ng panahon, at kanilang lakas upang matulungan ang pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ayon sa Arsobispo sa pamamagitan ng Jaro Social Action center mapalalawak ang implementasyon ng Masa-Masid at UBAS.

“We must commit to greater church and state collaboration to eradicate the problem of illegal drugs.Through the facilitation of JASAC (Jaro Social Action Center), we can join hands in partnership with groups like the DILG for MASA MASID and UBAS to fight criminality, corruption, and illegal drugs,” dagdag ni Archbishop Lagdameno.

Pinasalamatan naman ni DILG Secretary Ismael Sueno si Abp. Lagdameo at ang Archdiocese of Jaro sa mainit na pagsuporta sa mga programa ng DILG.

“We are very thankful for the support of Jaro to our MASA MASID and UBAS program. It is my fervent hope that with the close collaboration of DILG and our church organizations, we will be able to win the war against illegal drugs through various approaches which include values reorientation and spiritual nourishment,” pahayag ng kalihim.

Ang MASA MASID ay isang programang humihikayat sa mga nais magvolunteer at tumulong upang mahigpit na mabantayan ang mga anomalya, korapsyon, at paglaganap ng iligal na droga sa Barangay level.

Ang naturang programa ay nagpapalawak rin sa una nang proyekto ng DILG na UBAS, sa mga lungsod at munisipalidad.

Samantala, sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 92-porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay may operasyon ng iligal na droga.

Naitala naman ang mga drug-related cases sa 20.51% o 8, 629 na barangay mula sa kabuuang bilang nito na 42, 065 sa buong bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,214 total views

 80,214 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,989 total views

 87,989 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,169 total views

 96,169 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,709 total views

 111,709 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,652 total views

 115,652 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 85,733 total views

 85,733 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 71,685 total views

 71,685 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top