15,875 total views
Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope.
Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama ng Diyos ng dakilang pag-ibig sa sangkatauhan.
“Kapag ang Jubilee Door ay binubuksan, bukas ang langit at bukas ang puso ng Diyos sa habag at awa lalo na para sa nangangailangan,”pahayag ni Fr. Laguerta sa Radio Veritas.
Paliwanag ng pari na sagisag ito ng pagtanggap ng simbahan sa lahat ng kawan upang maramdaman ang grasya ng pagpapatawad ng Diyos at isang paanyaya sa bawat isa na ipalaganap ang habag at awa tungo sa kapwa.
Sa isinagawang na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS na ginanap sa Pope Pius XII Center Auditorium pinangunahan ni Fr. Laguerta ang katesismo sa nalalapit na Jubilee Year of Hope sa 2025 na ilulunsad ng simbahang katolika sa December 24 sa pamamagitan ng pagbubukas ni Pope Francis ng Jubilee Door sa Vatican.
Kasabay nito ang pagsapubliko rin ng 24 na mga dambanang itinakda ng Archdiocese of Manila bilang Jubilee Churches na maaring bisitahin ng mananampalataya sa buong Taon ng Hubileyo upang matanggap ang plenary indulgence.
Hinati ng arkidiyosesis ang mga jubilee churches sa limang clusters na nakatuon sa ‘Family, Faith, Labor, Vulnerable, at, Education’ upang bigyang diin ang natatanging intensyon ang mga sektor na itinalaga ng bawat dambana.
“Hinihikayat ko po kayong lahat na dalawin po natin ang mga jubilee churches; so itong mga simbahan ay magiging gathering points para ang mga kapanalig natin ay makabisita, maintindihan ang sektor at matulungan ang kanilang pangangailangan,” ani Fr. Laguerta.
Sa Family cluster ang sumusunod:
1. Archdiocesan Shrine of Santo Nino for Children
2. Archdiocesan Shrine of Nuestra Senora de Guia for Migrants and Refugees
3. San Felipe Neri Parish for Teenagers, Youth at Students
4. Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Loreto for Families, Grandparents at Elderlies
5. National Shrine of Saint Jude Thaddeus.
Sa Faith Cluster;
6. Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo for Confraternities, Ecclesial Movements, Associations and New Communities
7. Royal and Conciliar San Carlos Seminary for Seminarians, Deacons, Priests, Bishops, Consecrated Persons and Missionaries
8. Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz for Catechists and Voluntary Workers
9. National Shrine of Our Lady of Guadalupe for Ecumenical and Inter-faith
10. Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral
Sa Labor Cluster;
11. Archdiocesan Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine for Government Official and Workers, Armed Forces, Police and Security Personnels
12. National Shrine of the Sacred Heart for Entreprenuers and Business Owners
13. Archdiocesan Shrine of Saint Joseph for Workers and Laborers
14. san Ildefonso Parish for Yong Adults and Professionals
15. National Shrine of St. Michael the Archangel
Sa Vulnerable Cluster;
16. Chapel of Saint Lazarus for Sick, Health Care Workers and Person with Disabilities
17. National Shrine and Parish of Our Lady of the Abandones for Poor and Orphans
18. Our Lady of Sorrows Parish for Prisoners and their Families
19. San Pablo Apostol Parish for Ecology
20. Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno
Sa Education Cluster;
21. San Fernando de Dilao Parish for Educators
22. Saint John Bosco Parish for Artists, Musical Bands, and Musicians
23. Mary Mother of Hope Mission Station for Social Communicators
24. Minor Basilica of San Sebastian
Ilan sa mga gawaing itatampok sa jubilee churches ang pagkakaroon ng katesismo, pangungumpisal, Eucharistic Adoration at iba pang gawaing nakabatay sa programa ng Vatican.