246 total views
Hindi pabor si dating CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa hakbang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pagpapalawak sa operasyon ng Small Town Lottery o STL sa bansa.
Una ng pinalawak ng PCSO ang STL para na rin labanan ang iligal na sugal gaya ng jueteng sa bansa.
Ayon sa arsobispo, tila hindi alam ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang STL ay ginagamit bilang ID ng sindikato ng jueteng upang sila ay malayang makapag-operate.
Una na ring nagpahayag ng katuwaan si archbishop Cruz sa administrasyog Duterte matapos itong ipatigil ang operasyon ng online gambling.
“Natuwa po ako nung sinabi niya yung online gambling itinigil, pero pagkatapos naman ngayon pinaunlad ang STL baka po hindi alam ng kinauukulan yun pung STL lalo na ang mga ID-ID yan po ang ginagamit ng mga jueteng syndicate meron silang ID na STL pero ang talagang dala nila STL at jueteng, ang jueteng malaki ang pusta 3-4 na beses isang araw, malaki ang taya, baka hindi pa niya alam yun yun po ang nakakahinayang.” pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radio Veritas.
Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, mula sa orihinal na 18 korporasyon noong 2006, nasa 56 na ang korporasyon ng STL na nag o-opearte sa buong bansa.