Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

July 27, 2020, idineklarang “day of prayer and fasting”

SHARE THE TRUTH

 527 total views

July 26, 2020, 2:18AM

Idineklara ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon na Day of Prayer and Fasting sa buong diyosesis ang ika-27 ng Hulyo taong 2020 na araw ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa liham pastoral, inatasan ni Bishop Baylon ang lahat ng mga pari, relihiyoso, relihiyosa at mga mananampalataya sa buong diyosesis na i-alay ang lahat ng banal na misa sa ika-27 ng Hulyo para sa kapayapaan, pagkakasundo at paghihilom ng buong bansa.

Hinihikayat rin ni Bishop Baylon ang bawat parokya na magsagawa ng Holy Hour para sa parehong intensyon na magkaroon na ng ganap na kaayusan sa bansa.

“This coming Monday, July 27, 2020 our nation will once again listen to the State of the Nation Address (SONA) of President Rodrigo Roa Duterte. As Catholic citizens of this nation, let us continue to pray for our country and our government leaders. I am declaring July 27, 2020 to be a Day of Prayer and Frating in our diocese. I am enjoining all the priests to offer All Masses on that day for Peace, Reconciliation and Healing in our country. I also encourage the parishes to have a Holy Hour for the same intention.” liham pastoral ni Bishop

Hinimok rin ng Obispo ang mga mananampalataya sa diyosesis na ipanalangin ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan lalo’t higit ang Pangulo na gabayan ng Banal ng Espiritu upang manatiling tapat sa tungkulin at magdesisyon para sa kabutihan ng buong bansa.

Iginiit rin ni Bishop Baylon na walang katotohanan ang naging akusasyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pakikialam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang impluwensyahan ang Korte Suprema kaugnay sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang anumang intensyon ang mga Obispo na manghimasok o impluwensyahan ang anumang sangay ng pamahalaan sa halip ay bahagi ng ‘moral duty’ ng mga lingkod ng Simbahang Katolika na magsalita at makialam sa mga usaping panlipunan upang magsilbing gabay ng taumbayan.

“This accusation is false. It is never in the intention of the leaders of the Catholic Church to put pressure on anyone or any branch of the government. We, bishops, together with the clergy, are simply exercising our moral duty to remind the highest court of the land to protect the citizens against anything in the newly signed law that might violate their human rights.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa tala, may 47 ang parokya sa Diocese of Legazpi na nagsisilbing bahay dalanginan ng higit sa 1.4 na milyong mananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 71,071 total views

 71,071 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 103,066 total views

 103,066 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,858 total views

 147,858 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,828 total views

 170,828 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,226 total views

 186,226 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,763 total views

 9,763 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,237 total views

 60,237 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,828 total views

 37,828 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,767 total views

 44,767 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,222 total views

 54,222 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top