Humingi ng kapatawaran sa panginoon- Obispo kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

July 27, 2020, 10:36AM

Nais ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa at mga hakbang upang maresolba ang suliraning dulot ng corona virus disease.

Sa mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Potificio Collegio Filipino, binigyang diin nitong ang COVID-19 pandemic ang tunay na kalaban na dapat pagtuunan nang pansin ng pamahalaan na labis ang epekto sa mamamayan.

“Our main problem is Covid19 pandemic. Our number one enemy is this Coronavirus. This is should be the focus of SONA, as to give us clear, true situation Covid19 in our country; and then concrete and concise plans to address this pandemic and for the economic recovery,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Umaasa ang obispo na talakayin ng Pangulong Duterte ang mahahalagang usapin sa bansa na kapaki-pakinabang sa mamamayan lalo’t higit sa mahihirap na sektor na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito sinabi rin ni Bishop Santos na dapat humingi ng kapatawaran sa Diyos ang punong ehekutibo makaraang ihayag nito sa publiko na bukod tanging habag at awa ng Diyos ang makatutulong na mawakasan ang paglaganap ng nakamamatay na virus.

“As the president acknowledges the need for God and His power and providence to country, because as he said ‘we are Christians’ so be sorry of insulting God and profess that religion is essential need of our people,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang sinabi ng iba’t-ibang grupo kabilang na ang simbahang katolika na sana’y ihayag ng pangulo ang tunay na estado ng bansa sa pagharap sa krisis na dulot ng pandemya.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health umabot na sa mahigit 80, 000 ang bilang ng mga nahawaan ng corona virus sa bansa sa kabila ng pagpapatupad ng quarantine sa buong bansa.

Ayon pa kay Bishop Santos, nawa’y ituring ng pamahalaan ang simbahan na katuwang sa paglilingkod sa mamamayan at nasa iisang hangarin para sa kabutihang panlahat.

“Church and State are partners for the common good of the people; accept that the Church is not enemy but as conscience of country telling her what is wrong and right, good or bad,” saad ng opisyal.

Read: https://www.veritas846.ph/panawagan-kay-pangulong-duterte-pakinggan-ang-hinaing-ng-mga-filipino/
https://www.veritas846.ph/humble-president-duterte-nais-makita-ng-sambayanang-filipino-sa-sona/
https://www.veritas846.ph/action-plan-ng-pangulong-duterte-sa-covid-19-pandemic-nais-marinig-ng-obispo-sa-sona/

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,432 total reads

 25,432 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,185 total reads

 123,185 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,555 total reads

 208,555 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,292 total reads

 255,292 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,162 total reads

 303,162 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,922 total reads

 400,922 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top