Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Hindi tayo magiging mabubuting Kristiyano kung hindi tayo mabubuting mamamayan.”

SHARE THE TRUTH

 501 total views

July 27, 2020, 1:00PM

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawing SONA Mass for Peace and Justice sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na pinangunahan ng Rector at Parish Priest nitong si Msgr. Hernando Coronel.

Inihayag ni Msgr.Coronel ang homiliya ni Bishop Pabillo dahil sumasailalim sa quarantine ang Obispo matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Obispo, ang pangunahing mensahe ng pananampalatayang Kristyano ay ang pag-ibig na nangangahulugan ng pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa tao.

Iginiit ni Bishop Pabillo na isang kabalintunaan ang pagmamahal sa kapwa nang walang pagmamahal sa bayan sapagkat magkakaugnay ito.

Ipinaliwanag ng Obispo na bahagi ng pagmamahal sa kapwa ang pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan na maipapamalas sa pamamagitan ng pagkikibahagi sa mga usaping panlipunan at pakikialam sa kung ano ang nangyayari at tunay na kalagayan ng bayan.

“Hindi tayo maaaring maging mabubuting Kristiyano kung hindi tayo mabubuting mamamayan. Hindi natin masasabi na mahal ko ang aking kapwa kung wala tayong pagmamahal sa bayan. Kung may pagmamahal tayo sa bayan at least man lang inaalam natin kung ano talaga ang kalagayan ng bayan. We care enough to know what is happening among us now and what our elected officials are doing.”pagninilay ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, ang pag-aalay ng banal na misa ng buong Archdiocese of Manila para sa Katarungan at Kapayapaan ng bansa ngayong araw ay ang natatanging ambag at pagpapamalas ng Simbahan ng pagmamahal para sa bayan.

Binigyang diin rin ng Obispo ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin upang ganap ng makita at marinig ng mga opisyal ng bayan ang mga hinaing at daing ng taumbayan na lubos ng dumaranas ng paghihirap sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“Kaya nga kailangan nating magdasal, at malakas na magdasal, upang mabuksan ang mga mata at tainga ng ating mga leaders. Sana makakita at makarinig na sila. Higit pa rin kailangan tayong magdasal na lumambot ang kanilang puso at tumibok ito ayon sa hibik ng maraming nahihirapan na ngayon.” Dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Umaasa naman ang Obispo na ganap na mailalahad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address ang tunay na kalagayan ng bayan at ang mga programa ng pamahalaan para sa bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo ang SONA ay ang panahon ng pag-uulat at pagpapahayag ng katotohan sa taumbayan at hindi pagkakataon upang mambatikos at magyabang.

“It is the day of the SONA – State of the Nation Address. Mamaya ang attention natin ay nakatuon sa President. Maglalahad siya ng kalagayan ng ating bayan at ng programa niya para sa bansa. Iyan dapat ang SONA. Hindi iyan panahon ng pagmamayabang, o pambabatikos o pambobola sa taong bayan. Gusto nating malaman the real score.”panawagan ng Obispo

Kasunod ng Banal na Misa ay nagkaroon rin ng Inter-confessional Ecumenical Inter-religious Prayer kung saan nag-alay rin ng panalangin ang iba’t ibang denominasyon para sa pangkabuuan kapakanan at kalagayan ng bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,904 total views

 73,904 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,899 total views

 105,899 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,691 total views

 150,691 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,638 total views

 173,638 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,036 total views

 189,036 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,054 total views

 1,054 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,106 total views

 12,106 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,055 total views

 1,055 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,494 total views

 60,494 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,083 total views

 38,083 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,022 total views

 45,022 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,477 total views

 54,477 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top