Kababaihan at Climate Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total reads

Ang climate change ay mapanganib. Ramdam na ramdam natin ang mga epekto nito. Sa katunayan, ayon sa isang report, ang ating bansa ang pinaka- at risk mula sa climate crisis na ito.

Pero alam mo ba kapanalig, ang climate change ay hindi rin gender-neutral? Lahat tayo ay naapektuhan nito pero iba ang epekto nito sa boys and girls, at sa men and women. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil na rin sa magkaka-ibang roles o papel pati na rin responsibilidad natin sa ating bahay at komunidad.

Sa ating mga kanayunan o probinsya, kapanalig, maoobserbahan natin ito. Makikita natin, halimbawa ang mga nanay na doble kayod – trabaho sa bahay, trabaho rin sa labas, sa sakahan, sa mga maliliit na negosyo, at sa iba pa. Sabay ng trabaho na ito, dala dala nila ang kanilang mga anak. Sabay ng trabaho at pag-aalaga ng anak, sila rin ang nakatoka sa pangangalaga ng bahay, na reliant o nakadepende sa natural resources, gaya ng tubig o sa init ng araw. Ang mga extreme weather changes gaya ng sobrang tag-init o sobrang ulan ay nakakapigil o nakaka-aabala sa kanilang mga gawain sa bahay, na pundamental sa gawain o obligasyon ng lahat ng kasama sa bahay.

Pag dumating naman ang sakuna, at kailangan lumikas ang mga mamamayan, mas hirap din ang mga babae. Kadalasan, agawan sa mga palikuran o CR sa mga evacuation centers. Ang babae, hirap na hirap makipagsiksikan dito. Wala silang privacy, at kung meron man, minsan wala silang mapag-iwanan ng kanilang anak kapag kailangan nilang pumunta sa palikuran.

May pag-aaral din na nagsasabi na mas maraming namamatay na babae sa tuwing may natural na sakuna. Ayon nga sa UNDP, ang mga babae at bata ay 14 times more likely than men to die during a disaster.

Kapanalig, kailangan ng pagbabago sa sitwasyon na ito – wala dapat maiiwang bulnerable na kahit sino man sa ating hanay sa ano mang sitwasyon. Kailangan masiguro ng ating lipunan na makabuluhan at pangkabuuhan ang ating tugon sa problema ng climate change at ng mga epekto nito sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga higit na bulnerable gaya ng babae at bata.

Isang mainam na hakbang dito ay ang pagbubukas ng pinto sa mas maraming kababaihan para sa partisipasyon, diskusyon, at pagdedesisyon ukol sa mga hakbang laban sa climate change. Sa community level, magiging mabunga ang pagbubukas na ito dahil malalaman natin ang tunay na epekto ng climate change sa hanay ng mga kabahayan. Ito ay pagkilala rin sa angking dignidad ng mga kababaihan at sa halaga ng kanilang boses sa lipunan. Kung wala ang tinig ng kababaihan sa mahahalagang isyu ng lipunan, laging kulang ang ating solusyon. Ayon nga sa Pacem in Terris – ang lipunan, kung nais natin itong maging maayos at produktibo, ay dapat kilalanin ang dignidad ng lahat ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 5,378 total reads

 5,378 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,493 total reads

 5,493 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 19,325 total reads

 19,325 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 141,981 total reads

 141,981 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,345 total reads

 192,345 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 319,403 total reads

 319,403 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 404,009 total reads

 404,009 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 19,326 total reads

 19,326 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 141,982 total reads

 141,982 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 192,346 total reads

 192,346 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 319,404 total reads

 319,404 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top