368 total views
Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ambag ng kababaihan sa lipunan lalo na ang mga migranteng babae na nakipagsapalaran sa ibayong dagat sa iba’t-ibang larangan.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, bishop-promoter ng Stella Maris Philippines sa pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong Marso.
Ayon sa obispo, kahanga-hanga ang mga halimbawang ipinamalas ng kababaihan na buong loob hinarap ang bawat hamon sa ibayong dagat para sa pamilyang naiwan sa bansa.
“On this National Women’s month, we, at CBCP Stella Maris Philippines would like to express our gratitude for the services and sacrifices of the important women in our life, especially the migrants and seafarers,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ipinaliwanag pa ng obispo na ipinakikita ng mga Filipina ang katatagan at kahandaang suungin ang anumang hirap sa ibayong dagat mabigyan lamang ng maginhawang pamumuhay ang pamilya.
Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre noong 2019, umabot sa mahigit dalawang milyon ang umalis sa Pilipinas para maghanapbuhay sa ibang bansa.
Sa nasabing bilang 56 na porsiyento ay mga babae.
“We extol their virtues of devotion to their families, and dedication to their works. As they labor in foreign lands and brave the seas, they manifest their resiliency against life’s trials and their strength to go on,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Tiniyak ni Bishop Santos ang patuloy na panalangin para sa mga migranteng Pilipino lalo ang kababaihan na manatiling ligtas sa anumang uri ng kapahamakan.
“We pray for them wherever they are, that they will be safe, strong and successful. We offer Holy Masses, imploring God’s protection and His guidance, to bring them safely home and happily reunited with their loved ones,” ani ng obispo.