Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 9,619 total views

Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong ni Senador Robin Padilla ang isang batas na magbababa sa minimum age of criminal responsibility sa 10. 

Gusto ni Senador Padilla na amyendahan ang Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Masyado raw mabait ang batas para sa mga batang nakagagawa ng heinous crimes o karumal-dumal na krimen. Kabilang sa mga heinous crimes ang parricide o pagpatay sa magulang o kamag-anak, murder o sadyang pagpatay sa tao, infanticide o pagpatay sa sanggol, rape, kidnapping, at serious illegal detention. Heinous crime din ang pagkakasangot sa drug-related offenses. Ang mga mapatutunayang guilty sa mga kasong ito ay pinapatawan ng parusa na mahigit 12 taóng pagkakakulong.

Sa ilalim ng batas, may criminal responsibility (o maaari nang kasuhan at patawan ng parusa) ang isang menor de edad kapag siya ay 15 taóng gulang. Gusto itong ibaba ni Senador Padilla sa 10 taóng gulang para sa mga heinous crimes. Ibig sabihin, gusto niyang ilagay sa bilangguan ang mga batang edad 10 na napatutnayang nakagawa ng karumal-dumal na krimen. 

Katwiran ng senador, mabilis nang mag-mature ang mga bata ngayon dahil na rin sa teknolohiya at internet. Sa tingin niya, batid na ng mga bata ang kahihinatnan ng kanilang mga ginagawa, kahit pa ang mga krimen. Kung alam na nila na nakamamatay ang kanilang ginagawa, dapat na silang panagutin sa batas. Walang ibinigay na siyentipikong batayan si Senador Padilla para sa obserbasyon niyang ito. Ayon nga sa mga tutol sa pagbababa ng minimum age of criminal responsibility, ang brain development sa mga bata ay hindi pa talaga buo kahit hanggang sa pagsapit nila ng 20 anyos. 

Sa isang bansang ipinagmamalaki ang pagiging malapít natin sa ating pamilya at ang pagmamalasakit natin sa ating kapwa, napakalupit ang pagpapakulong sa mga batang edad 10. Kung makikita lang ninyo ang kalagayan ng mga nakatatanda sa ating mga bilangguan, napakahirap isiping ilalagay ang mga bata sa ganoong sitwasyon—walang sapat na pagkain, walang maayos na tulugan, walang malinis na palikuran, walang dignidad. 

Makatutulong marahil kung susuriin ni Senador Padilla at ng mga gustong papanagutin na sa batas ang mga musmos kung bakit may mga batang nasasangkot sa krimen. Ano ang sitwasyon sa kanilang pamilya? Kumusta ang kanilang pag-aaral? Sinu-sino ang nagtuturo sa kanila ng mabuting asal (o ng masamang gawain)? Anu-ano ang mga nagtulak sa kanilang gumawa ng krimen? Baka matuklasan ni Senador Padilla na sa huli, ang ating lipunan ang bumigo sa ating kabataan. Ito ang dahilan ng pagkakasangkot ng mga bata sa mga gawaing labag sa batas. 

Hindi natin kinukunsinti ang mga batang nananakit ng kanilang kapwa, pero hindi kaya mas makatutulong kung lalawakan pa natin ang ating pag-unawa at dadagdagan natin ang ating habag para sa kanila? Sabi nga sa Mga Kawikaan 13:24, malaki ang papel ng mga nakatatanda sa pagdidisiplina sa mga bata. Hindi literal na pamamalo at pananakit ang kailangan nila, kundi paggabay at patnubay na may kalakip na pagmamahal. Sa tingin ba ninyo, makagagawa ng karumal-dumal na krimen ang mga batang lumaki sa mapagkalingang  pamilya, komunidad, at lipunan?

Mga Kapanalig, ang ating Simbahan ay naninindigan para sa isang sistemang pangkatarungan na nagnanais buuing muli ang mga nasirang ugnayan ng mga nagkasala at mga biktima nila. Restorative justice ang tawag natin dito. Hindi ito makakamit kung marahas na pagpaparusa ang ating paiiralin. Hindi ito mangyayari kung maaga pa lang ay pagkakaitan na natin ng pag-asa ang mga batang naliligaw ng landas.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 9,620 total views

 9,620 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 39,700 total views

 39,700 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 53,759 total views

 53,759 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 72,256 total views

 72,256 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 39,701 total views

 39,701 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 53,760 total views

 53,760 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 72,257 total views

 72,257 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 93,462 total views

 93,462 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 73,846 total views

 73,846 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 97,543 total views

 97,543 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 106,255 total views

 106,255 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 109,886 total views

 109,886 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 111,880 total views

 111,880 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
Scroll to Top