Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kagubatan: Napakahalagang Yaman ng Bayan

SHARE THE TRUTH

 616 total views

Kapanalig, ang estado ng ating kagubatan ngayon ay isang aspeto sa ating bayan na hindi nabibigyan ng kaukulang pansin ng lipunan. Natatabunan kasi ito ng mga mai-i-init na usaping pang-politika.

Ang ating kagubatan ngayon ay nangangailangan ng kalinga. Ang pagkawala ng ikatlo o one-third ng ating forest cover mula 1990 hanggang 2005 ay hirap pa ring mabawi hanggang ngayon, kahit mahigit labinglimang taon na ang nakakalipas.  Ang ating mga praktis o nakasanayang gawi ay labis na kumikitil ng buhay ng ating mga puno. Ayon sa isang publikasyon ng Senado noong June 2015, kalahati ng land area ng ating bayan ay mga kagubatan noong 1934. Noong 2010, 23% na lamang o mga 6.8 milyong hektarya na lamang ang kagubatan sa ating bansa.

Ang ilegal na pagto-troso at ang pag-ka-kaingin ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit mabilis nawala ang ating mga kagubatan. Ang mga puno, kahit mura o bata pa lamang, ay walang patawad na pinuputol o sinusunog. Sa bawat pagputol, ilang taon pa ang bibilangin bago pa mapalitan. Sa bawat pagsunog o pag-kaingin, ang kalidad ng lupa ay nasisira. Kailan ba natin mauunawaan at mabibigyang halaga ang kagubatan ng bayan? Kailan ba natin makikita na ang gubat ay isa sa mahahalagang salik ng ating buhay?

Ang paghampas ng bagyong Lawin ay may dalang mahalagang leksyon ukol sa kagubatan ng bayan. Isa itong supertyphoon, kapanalig, ngunit binawasan ng kabundukan ng Sierra Madre ang lakas nito. Ang Sierra Madre kapanalig, ay minsang puno ng kagubatan. Hindi lamang malalakas na hangin ang binabangga ng mga kagubatan nito, sinisipsip din nito ang mga tubig na dala ng bagyo, kaya’t naiiwasan ang baha sa maraming mga probinsya ng bansa.

Isa nga sa pinaka-ta-tanging yaman ng bayan ang kanyang kagubatan. Hindi lamang ito nagbibigay ng kabuhayan ng marami, sinasalba pa tayo nito sa mga delubyong dala ng mga supertyphoon na gaya ni Lawin. Nakakalungkot nga lamang na hindi natin napo-protektahan at napangangalagaan ang buhay nito. Hindi natin maibalik ang kalinga na binibigay ng kagubatan sa ating bayan.

Ang panlipunang turo ng Simbahan ay lagi tayong pina-alalahan na responsibilidad natin ang kalikasan. Tayo ay mga “stewards of the environment,” mga tagapamahala ng kalikasan na naatasan ng Panginoon na pagyabungin ito, hindi gibain.

Si Pope Francis, sa kanyang pagbisita sa ating bansa noong nakaraang taon ay may mahalagang hamon sa atin: Bilang taga-pamahala ng likha ng Panginoon, tayo ay tinatawag na gawing magandang hardin ang mundo para sa sangkatauhan. Sa tuwing sinisira natin ang kagubatan at ang lupa, tinatalikuran natin ang responsibilidad na ito.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 55,675 total views

 55,675 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 67,392 total views

 67,392 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 88,225 total views

 88,225 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 103,839 total views

 103,839 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 113,073 total views

 113,073 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 55,676 total views

 55,676 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 67,393 total views

 67,393 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 88,226 total views

 88,226 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 103,840 total views

 103,840 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 113,074 total views

 113,074 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 76,415 total views

 76,415 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 84,474 total views

 84,474 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 105,475 total views

 105,475 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 65,478 total views

 65,478 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 69,170 total views

 69,170 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 78,751 total views

 78,751 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 80,413 total views

 80,413 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 97,744 total views

 97,744 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 73,727 total views

 73,727 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 66,582 total views

 66,582 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top