Kapakanan ng mga Filipino, isaalang-alang sa pakikipagrelasyon sa iba’t-ibang bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total views

Mahalagang ikonsidera ng pamahalaan ang makabubuti sa kapakanan ng lahat ng mga Filipino na maaring maapektuhan ng mga desisyon at pakikipag-ugnayan nito sa iba’t-ibang bansa.

Ito ang panawagan ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum sa kasalukuyang administrasyon matapos ang naging kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagputol ng relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos sa larangan ng ekonomiya at maging mga kasunduang pang-militar.

“Tayo ay bahagi talaga ng isang international community kaya meron tayong dapat na maging patakaran para sa ating pakikipag-isa sa kanila at lagi nating hanapin yung nilalayon natin ang kabutihan at nung bansa na ating pinakikitunguhan, sana ito ay talagang mapag-aralan natin at mahanap natin yung talagang ikabubuti nung lahat ng mga nasasangkot…”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ang Pilipinas ng isang progresibong international community kaya’t marapat lamang na maging maingat ang ating mga opisyal sa pakikitungo bilang kinatawan at pinuno ng Pilipinas lalo’t maraming mga Filipino ang naghahanap buhay at naninirahan sa iba’t ibang bansa ang maaring maapektuhan.

Kaugnay nito, nasa Pilipinas ngayon si United States (US) Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel R. Russel na inaasahang makikipagpulong sa ilang mga opisyal ng pamahalaan upang linawin ang mga naging pahayag ng Pangulo kamakaialan lamang.

Sa kasalukuyan nasa 4.7-bilyong dolyar ang US direct investments sa Pilipinas, habang tinatayang aabot naman sa 1.8-milyon ang bilang ng mga Filipino Immigrants sa America na sinasabing pang-apat sa may pinakamalaking bilang ng Immigrant population sa United States noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,366 total views

 47,366 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,235 total views

 43,235 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,437 total views

 79,437 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,144 total views

 88,144 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,437 total views

 113,437 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top