Kahalagahan ng fact-checking

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 95,373 total reads

Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Nagsimula noong 2016 ang paggamit ng Meta ng mga sertipikadong fact-checkers, na tumutulong sa mga netizens na alamin kung totoo o hindi ang impormasyong kanilang nababasa. Partikular na binanggit ng Meta ang mga viral hoax, o mga fake news na mabilis kumalat, katulad ng napag-usapan natin noong nakaraang linggo na fake news tungkol sa panibagong outbreak ng sakit. Sa fact-checking program ng Meta, ang mga nag-share at nagnanais pang mag-share ng mga posts gaya nito ay makakukuha ng notification na naglalaman ng mga link na pinabubulaanan ito. Binabawasan din ng Meta ang visibility ng mga post na itina-tag ng mga fact-checkers na fake news. Sa mga Facebook pages din na may kasaysayan ng pag-post ng fake news, may notification na lumalabas upang bigyang-babala ang mga nais mag-follow sa mga ito.

Walang kapangyarihan ang mga fact-checkers na magtanggal ng mga posts, kahit pa fake news ang mga ito. Pero nagpasya ang Meta na itigil ang programa dahil masyado na raw nagiging politically-biased ang mga fact-checkers, at naging pamamaraan na daw ito ng censorship. Hindi naman daw mawawala ang fact-checking. Papalitan ito ng community notes program katulad ng ginagawa sa social media app na Twitter o X, kung saan kahit sino ay pwedeng mag-sign-up bilang fact-checker. Hindi nila kailangang maging sertipikado. Hindi na rin daw bababaan ang visibility ng mga posts na may fake news at hindi na lalabas bilang notification ang mga babala tungkol sa fake news. Ibig sabihin, mas mahirap nang makita na fake news ang isang post kung hindi naman susuriin ang laman nito.

Bagamat sa Amerika pa lamang tinanggal ng Meta ang fact-checking program at wala pang anunsyong gagawin din ito sa ibang bansa, nakababahala pa rin ito para sa lahat ng gumagamit ng social media apps. Sa Pilipinas, itinuturing ang social media bilang pangunahing pinagkukunan ng balita. Pero ano na lang ang mangyayari kung bibitawan ng mismong mga nagmamay-ari at nagpapatakbo ng social media apps ang responsabilidad na tiyaking hindi kakalat ang fake news sa mga apps nila? Ngayong dumarami rin ang kumakalat na artificial intelligence o AI-generated content, kabilang ang mga audio recording at video na mahirap i-verify, hindi ito ang panahon upang iwan na lamang sa mga gumagamit ng social media ang responsabilidad ng fact-checking.

Mga Kapanalig, “huwag [t]ayong makibahagi sa mga gawain… na walang ibinubungang mabuti,” gaya ng sabi sa Efeso 5:11. Tayo man ay taga-share, like, o comment lamang; tagagawa ng post; o tagapamahala ng social media app; bawat isa sa atin ay may responsabilidad sa pagtigil sa pagkalat ng fake news. Sabi nga ni Pope Francis sa isang mensahe niya noong 2018 World Communications Day, walang exempted sa atin sa paglaban sa fake news. Pero nasa mga tagapamahala ng mga kompanyang kumikita sa mga social media apps ang pangunahing responsabilidad na siguruhing hindi magiging pugad ng fake news ang kanilang mga apps. May mga patakaran dapat sila para labanan ito.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 69,212 total reads

 69,212 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,450 total reads

 101,450 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,276 total reads

 203,276 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,834 total reads

 243,834 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 261,472 total reads

 261,472 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 69,213 total reads

 69,213 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,451 total reads

 101,451 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,277 total reads

 203,277 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,835 total reads

 243,835 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top