Prevention of Adolescent Pregnancy Act, ibi-veto ni Pangulong Marcos kapag nakalusot sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,601 total reads

Nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang nilalaman ng Senate Bill No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.

Sa isang panayam sa sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang ilang bahagi ng panukalang batas ay hindi naaangkop o katanggap-tanggap at labis na nakakabahala.

Sinabi ng Pangulo na labis niyang ikinagulat ang mga elementong nabasa niya sa bill kung saan isinusulong na turuan ng maseselang bagay kahit ang mga apat na taong gulang na bata.

Binatikos din ng Pangulo ang kawalan ng pagsasaalang-alang sa karapatan ng mga magulang na magdesisyon kung kailan at paano dapat turuan ang kanilang mga anak ukol sa sekswalidad.

Nanindigan si Pangulong Marcos Jr. sa kahalagahan ng sex education sa mga paaralan ngunit nilinaw na dapat itong nakatuon sa tamang kaalaman ukol sa anatomy at reproductive health.

“Pero ‘yung mga sinama nila na mga woke na absurdities are abhorrent to me and I’m already guarantying, hindi pa napasa ito pero if this bill is pass in that form, I guarantee all parents, teachers and children, I will immediately veto it,” ang bahagi ng pahayag ng Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ng punong ehekutibo na mahalagang maituro ang mga bagay na ito sa mga kabataan, partikular ang consequences ng early pregnancy at paglaganap o prevalence ng HIV.

Ipinunto pa niya na mahalaga ang edukasyon upang mabigyan ang mga kabataan ng tamang kaalaman sa kanilang katawan at maiwasan ang maagang pagbubuntis at iba pang isyung pangkalusugan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,359 total reads

 68,359 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,632 total reads

 100,632 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,458 total reads

 202,458 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,016 total reads

 243,016 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,696 total reads

 260,696 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top