VeritasPH

The Word, The Truth

Kahirapan, ugat sa kawalan ng pangarap ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 1,279 total views

Inihayag ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na kailangang palakasin ang pagtuturo ng katesismo at mga aral ng Panginoon lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, tagapamuno ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, higit na nagagabayan ang tao kung malalim ang pananalig sa Panginoon at nauunawaan ang dakilang pag-ibig na ipinadama sa bawat isa.

“If we have faith mas madaling mangarap kasi we believe more in God of what we can do,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa pakikipag-ugnayan ng tao sa Panginoon hindi nalilimitahan ang mga pangarap nito sa buhay at lalong naipahahayag ang pagtitiwala sa Diyos.

Ang pahayag ni Bishop Mallari ay tugon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng Dream Project PH kung saan lumabas na 70 porsyento o katumbas sa 7 sa bawat 10 kabataang Filipino ang walang pangarap sa buhay.

Ang 9 na taong pag-aaral ng grupo ay layuning tukuyin at himukin ang mga kabataan na mangarap para sa kanilang kinabukasan partikular ang mga nasa maliliit na sektor ng lipunan.

Dahil dito, pinaiigting ng Simbahang Katolika ang pagtuturo ng katesismo sa mga paaralan upang higit na mauunawaan ng mga kabataan ang turo at aral na magiging gabay sa kanilang paglalakbay sa mundo at tahakin ang landas ng kanilang mga pangarap.

TUGUNAN ANG KAHIRAPAN

Naniniwala ang Obispo na isa sa mga sanhi ng kawalang pangarap sa mga kabataan ang labis na kahirapan na nararanasan ng mamamayan.

Aniya, higit na inaalala ng mga mahihirap ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya tulad ng pagkain at tirahan kaya’t hindi na ito nangangarap para sa kinabukasan.

Dahil dito, nananawagan ni Bishop Mallari sa pamahalaan na tugunan ang lumalalang kahirapan sa bansa upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan at matulungang maiangat sa karukhaan.

“I think kung matutugunan yung problema sa poverty, yung poverty alleviation talaga ng government ma-strengthened kasi I believe na susunod na yung pangarap eh,” dagdag pa ni Bishop Mallari.

Ayon sa mga naitalang sanhi ng Dream Project PH bukod sa kahirapan ay nangunguna ang mga salitang nagpapahina ng loob sa mga kabataan at kawalang suporta mula sa mga magulang, kawalan ng tiwala sa sarili, at kawalang oportunidad.

TUGON NG SIMBAHAN

Patuloy naman na kumikilos ang Simbahang Katolika upang abutin ang mahihirap na sektor sa lipunan at tulungang makaangat sa kahirapan.

Nangunguna dito ang Caritas Manila kung saan pinalalakas ang Youth Servant Leadership Program, ang scholarship program ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila na tumutulong sa 5, 000 kabataan sa buong bansa na mkakapag-aral.

Naniniwala ang Simbahan na ang edukasyon ang susi sa tagumpay ng bawat isa.

Bukod sa scholarship program may iba’t ibang programa rin ang Caritas Manila na naglalayong mabigyang pag-asa ang bawat dukha sa bansa at magkaroon ng pangarap sa buhay at sa buong pamilya.

Binigyang diin ni Bishop Mallari ang programa ng Pondo ng Pinoy partikular ang feeding program na lumilingap sa mga malnourished na kabataan na pinaniniwalaang sanhi rin ng kawalang pangarap ng isang bata.

Dahil dito hinimok ng Obispo ang lahat ng mamamayan at institusyon na magtulungan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang lahat ng kabataan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 984 total views

 984 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,520 total views

 8,520 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,506 total views

 24,506 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,551 total views

 32,551 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,631 total views

 37,631 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 684 total views

 684 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 758 total views

 758 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 3,851 total views

 3,851 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 3,859 total views

 3,859 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 4,400 total views

 4,400 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 4,432 total views

 4,432 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 5,462 total views

 5,462 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 5,602 total views

 5,602 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 5,609 total views

 5,609 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 5,913 total views

 5,913 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 8,291 total views

 8,291 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 8,807 total views

 8,807 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 9,522 total views

 9,522 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 12,360 total views

 12,360 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,705 total views

 13,705 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top