149 total views
Mahigit sa 800 relief items na ang naipamahagi ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese of Palo sa mga residenteng naapektuhan ng paglindol sa Ormoc city.
Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Alcris Badana, pinuno ng Caritas Palo, ilang araw matapos maganap ang magnitude 6.5 Earthquake sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Fr. Badana, inaalala nila ngayon ang sitwasyon ng mga pansamantalang naninirahan sa mga ‘makeshift tents’ matapos masira ang kanilang bahay partikular na ang nasa mga kabundukan.
Naniniwala ang pari na delikado para sa mga residente ang bumalik pa sa kanilang mga tirahan lalo na’t patuloy ang mga nagaganap na aftershocks.
“Yung mga evacuation area are actually these are may makeshift tents or mga tents doon sila nag-stay ngayon. Actually malaki ang magiging problema kasi for example, wala itong mga palikuran kailangan bigyan sila ng palikuran, because I think it would take some time kasi the solution would be to really make a relocation for this people na because this will not be returning to their places na kasi talagang natamaan [sila] talaga ng lindol, so it’s no longer safe, delikado.”pahayag ni Fr. Badana sa panayam ng Radio Veritas.
Bukas naman ang tanggapan ng Caritas Palo para sa mga nais magpadala ng tulong para pangangailangan ng mga apektadong pamilya lalo na ng mga bata.
“Yung assessment po namin hindi lang food items yung kailangan, hindi lang pagkain, hindi lang tubig kundi kailangan narin yung hygiene kit, at saka additional shelter repair kit, kasi hindi na talaga sila pwedeng tumira doon sa bahay nila, so kailangan ng mga tents, ang kumot specially kasi marami din na mga families na may mga bata and of course, medical assistance, yun ang pinaka-imporante atleast kahit vitamins for the kids.”ani pa ni Fr. Badana.
Naunang kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na hindi pa rin naibabalik ang supply ng kuryente sa lungsod.
Read: Ormoc City, wala pa ring suplay ng kuryente dahil sa lindol
Sa datos ng Caritas Palo nasa 995 Pamilya ang apektado ng naganap na paglindol.