Marriage should be the beginning of life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Ito ang mensahe ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa mga nagsasama sa labas ng kasal at hindi naniniwala sa kasagraduhan nito.

Paliwanag ng arsobispo, ang mga taong hindi naniniwala sa kasagraduhan ng kasal ay dapat na hindi pumasok sa relasyon o mapilitang magpakasal dahil mas malaki ang posibilidad na mauwi ito sa paghihiwalay.

“Marriage is a confirmation of genuine love. Marriage should be a beginning of life, for a couple and should not be a consequence. Marriage should be a priority,” ayon kay Archbishop Cruz.

Live-in/cohabitation

Naniniwala naman si Archbishop Cruz na ang ‘cohabitation’ ay karaniwang nangyayari sa mga mahihirap na sa kabila ng libreng kasal mula sa simbahan at kakapusan ng pera ay nais din ng magarang pagdiriwang.

“In the Catholic church there are days in a month when marriage is free and they can have it. Ang hindi lang maganda, they are married for free and yet ang handaan malaki, parang piyesta. So you can’t afford marriage but you have your wedding party,” dagdag pa nito.

Premarital sex

Maling mensahe rin sa mga kabataan, ang naipapahayag ng mga kilalang personalidad na nagpapakita ng pagsasama ng labas sa kasal.

Ayon sa arsobispo, maraming mga kilalang personalidad sa bansa tulad ng mga artista ng telebisyon at pelikula ang kilalang nagsasama sa labas ng kasal.

“They are teaching the wrong morals especially to young people who come to know they are lived-in. But at the same time they are also pulling themselves,” ayon kay Archbishop Cruz.

Bagama’t maari pa rin itong itama sa pamamagitan ng pagpapakasal.

“Ang pre-marital sex it is not necessary putting marriage out of the way, though it happens every now and then. Which of course is wrong. But thereafter the marriage comes in.”paliwanag ni Archbishop Cruz

Inihalimbawa ni Archbishop Cruz ang pagkabuntis ng babae o pagkakaroon ng anak, kaya nagpapakasal.

Base sa survey ng Young Adult Fertility Study noong 2013, isa sa bawat 10 kabataan ang nakikipagtalik ng hindi kasal o tinatawag na pre-marital sex na nauuwi sa pagsasama sa labas ng sakramento.

Re-marriage
“Live-in by enlarge is usually among the poor and then ang re-marriage ay usually among the rich,” ayon pa kay Cruz.

Aniya, bagama’t nagpapakasal karaniwan naman sa mga may kaya ang nagsusumite ng annulment at muling nagpapakasal sa ibang kapareha.

Sinabi ng Arsobispo na dalawa sa 10 utos ng Diyos ang may kaugnayan sa pag-aasawa kung saan nasasakop din ang live-in o cohabitation at ang pre-marital sex o ang pakikipagtalik ng hindi kasal.

“Thou shall not covet thy neighbor’s wife, Thou shall not commit adultery. So sakop ‘yun nung dalawang utos sa 10. Sampu lang ang utos ng Diyos pero dalawa dito ay tungkol sa kasal, pagsasama ng babae at lalaki,” paliwanag ng arsobispo

Sa ulat naman ng Philippine Statistics Authority sa pagitan ng 2003 at 2015, tatlumpung porsiyento ang ibinaba ng bilang ng mga nagpapasakal o mula sa higit 500 libong pagpapakasal- naitala na lamang ito sa 360 libo.

Una na ring pinuna ng Santo Papa Francisco ang ‘culture of provisional’ dahil kalimitan ding nauuwi sa paghihiwalay ang pagsasama na taliwas sa layunin ng kasal na isang panghabangbuhay na pangako ng dalawang nagmamahalan.

Bukod sa ilang mga artista sa telebisyon, kilalang personalidad sa bansa, kabilang din ang Pangulong Rodrigo Duterte na may kinakasama ng hindi kasal.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 8,617 total reads

 8,617 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 29,160 total reads

 29,160 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 93,998 total reads

 93,998 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 179,364 total reads

 179,364 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 226,100 total reads

 226,100 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 273,974 total reads

 273,974 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 373,170 total reads

 373,170 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 8,621 total reads

 8,621 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top