Pangulong Duterte, bagsak ang grado sa Green Thumb Coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 300 total views

Bagsak ang grado na ibinigay ng Green Thumb Coalition para sa unang taong panunungkulan ng Duterte Administration.

Ayon kay Gerry Arances, Convenor ng Center for Energy Ecology and Development na miyembro ng G-T-C, 11 lamang ang natupad ni Duterte sa 60 bagay na inaasahan ng grupong kayang gawin ng administrasyon.

“Talagang lagapak at ito yung grado na inilabas ng Green Thumb Coalition at kalunos lunos dahil ito yung bagay na tingin namin ay kayang kaya nung administrasyon ay hindi niya nagawa, at sablay dahil tinimbang namin yung para sa karapatan, para sa kalikasan, para sa kinabukasan ng sambayanang Filipino ay kulang na kulang,” pahayag ni Arances sa Radyo Veritas.

Gayunman, nakahanda namang magbigay ng mga mungkahi ang G-T-C upang maipaliwanag sa administrasyon ang mga maaari nitong gawin para sa ikabubuti ng kalikasan lalo na sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.

Kaalinsabay ng SONA ng pangulong Duterte, ilulunsad ng Green Thumb Coalition ang “Green Sona”.

“Maglulunsad ang Green Thumb Coalition ng tinatawag na Green SONA at magpapaabot ng aming assessment at kung anu pa yung pwedeng gawin kung lumalabas nga ay palpak yung gobyerno sa unang taon nya pagdating sa environmental front, kumbaga ang ineexpect namin ay dapat mas maraming aksyon,” dagdag pa ni Arances.

Matatandaang sa unang SONA ni Pangulong Duterte ipinag-utos nitong siyasatin ang mahigit 40 minahan sa bansa, at suspindihin o ipasara ang mga mapatutunayang umabuso at sumira sa kalikasan.

Bukod dito, kabilang din sa tinukoy ng Pangulo ang paglilinis sa Laguna Lake upang mabigyan ng pagkakataong makinabang sa biyaya ng lawa ang mga mahihirap na mangingisda.

Nauna rito, pasang-awa din ang ibinigay na grado ng iba’t-ibang sektor kay Pangulong Duterte sa unang taong panunungkulan.

Read: PDU30 Performance scorecard, incomplete

Sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin ng Santo Papa ang mahalagang gampanin ng pamahalaan na syang nagpapatupad ng mga batas na poprotekta at nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,000 total views

 58,000 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,870 total views

 53,869 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,071 total views

 90,071 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,426 total views

 98,425 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,931 total views

 122,930 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,181 total views

 325,181 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top