Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Odette, ipinagdarasal ni Bishop Cabajog

SHARE THE TRUTH

 395 total views

Ipinapanalangin ni Diocese of Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng bawat isa lalo’t higit sa tatamaan ng bagyong Odette.

Ayon kay Bishop Cabajog, kasalukuyang makulimlim ang papawirin at mayroon na ring kaunting pag-uulan sa Surigao del Norte.

Bagamat hindi pa gaano nararamdaman ang lakas ng Bagyong Odette, nakahanda na ang Social Action Center ng diyosesis para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo.

“Activated na ang aming Social Action Centers dito at nakaready na rin to help those who will be affected ng typhoon,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Dalangin naman ni Bishop Cabajog na nawa’y patuloy na gabayan ng Panginoon ang sambayanan Pilipino upang maligtas sa anumang pinsala at sakunang maidudulot ng bagyong Odette sa bansa.

“Lord of heaven and earth, we come before You on bended knees, begging for Your protection and fatherly care from the forthcoming Typhoon Odette. Relying on the words of Your Son, ‘Knock and you shall receive, seek and you shall find.’ We knock at Your heart to have mercy on us, sinful as we are, to deliver us from all harm,” dalangin ni Bishop Cabajog.
Naunang tiniyak ng Diocese of Surigao at Archdiocese of Cagayan de Oro na bukas ang lahat ng simbahan sa mga magsisilikas dulot ng epekto ng bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,647 total views

 8,647 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,291 total views

 23,291 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,593 total views

 37,593 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,369 total views

 54,369 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 100,905 total views

 100,905 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top