Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kamalayan ng mga Filipino sa Ecumenism at Interreligious dialogue, itataas ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 381 total views

Mahalagang ganap na mabuksan ang kamalayan ng mga Filipino sa usapin at konsepto ng Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous People’s na panibagong paksa sa paghahanda ng Simbahang Katolika para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman, CBCP – Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa pagsisimula ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples kasabay ng pagsisimula ng panibagong liturhikal na taon.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalagang mabuksan ang kamalayan ng bawat isa sa konseptong ito na magdudulot ng mas maunlad at mapayapang kinabukasan.

“Kailangan natin na alamin pa itong mga issue na ito, kakaiba ito kasi marami sa ating mga church people ay hindi masyadong familiar tungkol sa ecumenism, tungkol sa interreligious dialogue at wala naman masyado tayong kaalaman tungkol sa indigenous peoples lalong lalo na yung pamamaraan ng dialogue.Mahalaga na maintindihan yung topic, sana makita ng lahat ang kahalagahan ng mga ito…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na hindi magtatapos ang ugnayan ng Simbahan at ng mga kabataan sa pagtatapos ng Year of the Youth.

Nanindigan si Bishop Pabillo na hindi dapat magtapos ang diwa ng paglilingkod at pagtugon ng mga kabataan sa kanilang misyon.

“Sana naman hindi ibig sabihin na natapos ang Year of the Youth na natapos ang engagement natin sa mga kabataan o natapos yung engagement ng mga kabataan. Sana sa Year of the Youth mas nabuhayan ang mga kabataan sa kanilang engagement sa Simbahan at sa lipunan…”dagdag pahayag ni Bishop Pabillo.

Sa pagtatapos ng Year of the Youth o Taon ng mga Kabataan ay idineklara naman ng Catholic Conference of the Philippines (CBCP) ang taong 2020 bilang Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples bilang patuloy na paghahanda ng Simbahang Katolika sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Ang Year of Ecumenism na may temang “Dialogue Towards Harmony” ay naglalayong maisulong ang pagkakapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa kapayapaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,673 total views

 79,673 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,448 total views

 87,448 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,628 total views

 95,628 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,170 total views

 111,170 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,113 total views

 115,113 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,582 total views

 23,582 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,254 total views

 24,254 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top