Dalhin ang templo ng Panginoon, hamon ni Cardinal Tagle sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pabanalin ang sarili sa bahay dalanginan at pabanalin din ang gusali ng simbahan.

Ayon kay Cardinal Tagle, napapabanal din ang mga simbahan sa pagpunta at pananalangin ng mga mananampalataya.

Tiniyak din ng Kardinal na ang panalangin ng mga mananampalataya ang siyang nagpapabanal sa gusali dahil ang mga tao ang bumubuo sa templo ng simbahan.

“Kapag laging may banal na bayan na pumupunta dito, tumatangis dito, umiiyak, umaasa, nag papabinyag, nagpapakasal, nag papakumpil, na ngungununyon, nagbabalik loob, at sa katapusan ay dito rin tatanggapin ang dangal ng pagkalibing bilang anak ng Diyos, ang bawat bahagi ng simbahang ito ay lalong nagiging banal.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Hinamon din nito ang mga mananampalataya na sa paglabas sa simbahan ay dalhin ang templo ng Panginoon saan man sila magpunta.

“Bilang buhay na gusali ni Kristo dala natin ang pagiging templo sa bahay, barangay, eskwela, palengke, trabaho, traffic, lahat yan dala natin ang buhay na gusali ng Diyos at iisa lang ang punadasyon si Kristo.” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Noong ika-5 ng Disyembre, pinangunahan ng Arsobispo ang pagtatalaga sa simbahan ng Most Holy Trinity Parish, sa Balic-balic, Sampaloc, Maynila.

Kaisa ni Cardinal Tagle sa pagtatalaga ng dambana ng Panginoon ang mga Obispong sina, Military Ordinariate Bishop Oscar Florencio, Infanta Bp. Bernardito Cortez, San Pablo Bp Buenaventura Famadico, Urdaneta Bp. Jacinto Jose, Gumaca Bp. Victor Ocampo, Bangued Bp. Leopoldo Jaucian, Tarlac Bp. Enrique Macaraeg, at Cubao Bp. Honesto Ongtioco.

Ang Church Dedication ay isang liturgical rite kung saan itinatalaga ang simbahan o ang dambana bilang lugar dalanginan at lugar ng pagsamaba sa Panginoon.

Itinuturing itong isa sa mga pinaka sagradong liturgical services ng simbahan at marapat lamang na ang isang gusali na binuo upang maging lugar dalanginan ay maitalaga sa Panginoon.

Taong 1890, nagsimula ang simbahan ng Most Holy Trinity sa isang funeral Chapel, matapos itong masira sa digmaan, muling inayos at nagkaroon ng banal na misa sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1925.

1932 naman nang pormal na binasbasan ang simbahan at tinawag na Iglesia de Santissima Trinidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 12,015 total reads

 12,015 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,304 total reads

 49,304 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,574 total reads

 275,574 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 169,041 total reads

 169,041 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,476 total reads

 262,476 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,583 total reads

 34,583 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,480 total reads

 27,480 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top