210 total views
Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng banal na misa para sa March for Mary and Filipino Family sa ika-8 ng Disyembre.
Kasabay nito ang pagdiriwang ng kapistahan ng Immaculada Concepcion o ang kalinis-linisang paglilihi kay Maria.
Ayon kay Rita Dayrit, Pangulo ng Pro-life Philippines Foundation Inc., layunin ng pagtitipon na makapagbigay pugay ang mga mananampalataya sa mahal na birheng Maria, bilang inspirasyon ng bawat pamilyang Pilipino.
Iginiit ni Dayrit na isang paraan din ito upang maimulat ang mamamayan sa mga usaping banta sa kasagraduhan ng pamilya.
Nanindigan si Dayrit na ang pamilyang Pilipino ang pundasyon at daluyan ng mga biyaya at pag-unlad ng buong Pilipinas.
“The March is intended to celebrate the life of Mama Mary as an inspiration to the life of the Filipino family. It is likewise an expression of our collective desire to honor the sanctity of the family as it faces political, economic, cultural and moral challenges. We wish to further manifest that the Filipino family is the foundation and likewise the channel of blessing and prosperity for the entire nation.” Pahayag ni Dayrit.
Ang March for Mary and Filipino sa linggo ika-8 ng Disyembre ay magsisimula sa Malate church ganap na alas sais ng umaga.
Magmamartsa ang mga mananampalataya patungong Manila Cathedral at dito pangungunahan ni Cardinal Tagle ang banal na misa nang alas otso ng umaga.
Inaanyayahan ang mga mananampalataya na makiisa sa pagtitipon at ipakita ang pagsuporta upang mapagtibay ang kasagraduhan ng bawat pamilyang Pilipino.