Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,382 total reads

Ang Mabuting Balita, 23 Oktubre 2023 – Lucas 12: 13-21

KAMATAYAN

Noong panahong iyon, sinabi kay Jesus ng isa sa mga tao, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana.” Sumagot siya “Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.”

At pagkatapos ay isinaysay ni Jesus ang talinhagang ito: “Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan, marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!’ Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

————

Ang pandemia ng covid 19 ay nagturo sa atin ng isang dakilang aral: ANG KAMATAYAN AY HINDI MAIIWASAN AT HINDI MAHUHULAAN. Napakaraming tao – miyembro ng pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga kilala natin ang nawala na lang sa balat ng lupa. Hindi kinayang bilhin ng salapi ang mga doktor, gamot at oras. Pag dumating na ang oras, hindi maaaring pahabain pa ang buhay. Ano ngayon ang saysay ng pagtitipon ng kayamanan sa lupa sa halip ng pagtitipon ng kayamanan sa langit sa pamamagitan ng pagbahagi sa mga nangangailangan? Hindi kailangang maganap ang isa pang pandemia upang magbigay ng “ayuda” o maglunsad ng “community pantry” sapagkat ang pangangailangan ay walang katapusan, mayroon man o wala mang pandemia.

Pinag-iingat tayo ni Jesus sa KASAKIMAN sapagkat ito ang dahilan kung bakit gusto nating magtipon ng kayamanan ng lubos-lubusan. KASAKIMAN ang dahilan kung bakit tayo hindi makatarungan sa mga nagtratrabaho sa atin; kung bakit nasisira ang magandang pagsasama ng pamilya; kung bakit tayo ay nagiging “corrupt,” at marami pang iba. KASAKIMAN ang magiging hadlang sa ating pagkamit ng buhay na walang hanggan. Tumpak ang sinabi ni Jesus sa Marcos 8: 36, “Ano ang mapapa­kinabangan ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan at mawala ang kaniyang kaluluwa?”

Panginoong Jesus, turuan mo kaming hanapin ang mga makalangit na kayamanan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 38,740 total reads

 38,740 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 173,556 total reads

 173,556 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 258,940 total reads

 258,940 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 322,772 total reads

 322,772 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 401,142 total reads

 401,142 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO REGRETS

 9,012 total reads

 9,012 total reads Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44 NO REGRETS As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept

Read More »

MULTIPLY

 5,118 total reads

 5,118 total reads Gospel Reading for November 18, 2026 – Luke 19: 11-28 MULTIPLY While people were listening to Jesus speak, he proceeded to tell a

Read More »

HINDRANCE

 5,855 total reads

 5,855 total reads Gospel Reading for November 17, 2026 – Luke 19: 1-10 HINDRANCE At that time Jesus came to Jericho and intended to pass through

Read More »

NOTHING WITHOUT ACTION

 4,917 total reads

 4,917 total reads Gospel Reading for November 16, 2026 – Luke 18: 35-43 NOTHING WITHOUT ACTION As Jesus approached Jericho a blind man was sitting by

Read More »
Scroll to Top