Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapakanan ng mamamayan, isinaalang-alang sa “no vaccine no ride policy” ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 412 total views

Inihayag ng Military Ordinariate of the Philippines na isinaalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan ng mamamayan sa pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa pandemya.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, nag-iingat lamang ang pamahalaan upang maiwasan ang higit na paglaganap ng COVID-19 lalo na sa mga hindi bakunadong indibidwal.

“Siguro naman ang basehan nila ay ang kapakanan ng nakararami,” mensahe ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Nilinaw ng Obispo na ito ay pansariling pananaw sa ipinatupad na ‘No Vaccine, No Ride’ policy ng Department of Transportation simula noong January 17, 2022.

Batid ni Bishop Florencio na ilan sa mga karapatang pantao ang maaaring maapektuhan sa polisiya subalit iginiit na pansamantala lamang ito.

“Mayroon talagang mga rights na matatamaan pero ang ganitong measure naman sa palagay ko ay pansamantala lamang at ito ay lilipas din,” ani Bishop Florencio.

Ayon naman sa DOTR, matagumpay ang unang araw ng pagpatupad sa ‘no vax, no ride’ policy kung saan mahigit sa isanlibong pasahero sa mga railways ang hindi bakunado ang nasita.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang nasabing polisiya ay naglalayong matulungan ang bansa na mapababa ang kaso ng mga nahawaan ng virus.

Tiniyak ng Kagawaran na ibayong pag-iingat at paggalang sa mamamayan ang kaakibat sa pagpatupad ng polisiya kasabay ng paalala sa mga nahuling indibidwal na magpabakuna upang maging ligtas sa banta ng pagkahawa.

Una nang nanawagan ng kahinahunan si Bishop Florencio sa mamamayan at muling umapela na makiisa sa vaccination program para sa proteksyon ng sarili at sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,682 total views

 39,682 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,770 total views

 55,770 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,258 total views

 93,258 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,209 total views

 104,209 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 26,590 total views

 26,590 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top