Pope Francis, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total views

Nagpaabot ng paunang tulong pinansyal ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga mamamayang nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre.

Sa pamamagitan ng Dicastery for Promoting Integral Human Development at pakikipagtulungan ng Apostolic Nunciature in the Philippines naglaan ng 100-libong Euro si Pope Francis o katumbas sa mahigit limang milyong piso para sa rehabilitasyon ng mga nasirang tahanan at simbahan sa mga lalawigang labis napinsala ng kalamidad.

Ito ay pakikiisa ng Santo Papa sa kahirapang naranasan ng mamamayan bilang pinunong pastol ng simbahang katolika.
“It is intended to be an immediate expression of the Holy Father’s sentiment of spiritual closeness and paternal encouragement towards the people and territories affected,” ayon sa pahayag ng Vatican.

Matatandaang sa Angelus ng Santo Papa noong December 19, 2021 agad itong nagpaabot ng panalangin para sa mga biktima ng sakunang dulot ng malakas na bagyo kung saan halos sampung milyong indibidwal ang naapektuhan.

Sa kasalukuyan puspusan din ang pagkilos ng social arm ng simbahan kabilang na ang Caritas Philippines at Caritas Manila para sa relief, rehabilatation at reconstruction sa sampung diyosesis na labis ang pinsalang natamo.

Umaabot na sa 20-milyong piso ang naibahagi ng Caritas Manila na cash assistance sa mga apektadong lugar kabilang na ang Diyosesis ng Surigao, Tagbilaran at Talibon sa Bohol, Maasin, Cebu, Kabankalan at Dumaguete sa Negros provinces, Taytay at Puerto Princesa sa Palawan at ang Archdiocese of Cagayan De Oro.

Patuloy naman ang Caritas Philippines sa paglilibot sa mga apektadong lugar sa pangunguna ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang national director ng grupo upang personal na mag-abot ng tulong pinansyal at alamin ang lawak ng pinsala para sa pagtugon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,843 total views

 29,843 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 104,457 total views

 104,457 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 184,536 total views

 184,536 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 227,675 total views

 227,675 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,965 total views

 226,965 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top