Diocese of Surigao, nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanilang pagbangon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,382 total reads

Labis na nagpapasalamat ang Diocese ng Surigao sa maraming tulong na kanilang natatanggap matapos na masalanta ng bagyong Odette.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diocese of Surigao, inihayag nito na sila ay nagagalak sa umaapaw na tulong at pagdadamayan na ipinapakita at ipinaparamdam ng maraming mananampalataya.

Sinabi ni Fr. Ilogon na magiging susi sa kanilang pagbangon ang patuloy na suporta galing sa iba’t-ibang mga lugar at tanggapan na Simbahan para sa kanilang mga programa.

“Alam namin na kung wala ang tulong ng iba’t ibang lugar yun mga taong sabi nga ay may puso na maawain hindi po magiging madali ang pagtanggap sa pangyayari dito, pero dahil maraming tumulong at nagbahagi ng resources, yun mga tao dito ay medyo nasisiyahan na din po kahit sa ganitong sitwasyon,” mensahe ni Fr. Ilogon.

Tiniyak ng Pari na patuloy silang aagapay sa pangangailangan ng mga residente lalo na sa bahagi ng rehabilitasyon kung saan sa kasalukuyan ay kanila nang pinag-aaralan ang magiging programa ng Diyosesis para dito.

“Nag-meeting kami sa Diocese kasama si Bp. [Antonieto] Cabajog na kami po ay nasa daan na ng rehabilitasyon unti unti dumadako na kami sa pagtulong sa rehabilitasyon ng kanilang mga pamamahay marami dito ang kanilang dinadaing ay humihingi ng yero at plywood.”

“Ito na ang direksyon na tinutungo namin at kung sino ang gusto tumulong ay very welcome po sa amin kahit anong tulong kami ay nagpapasalamat… lalo na para sa mga naapektuhan yun totally damaged ang bahay nila,” dagdag pa ng Social Action Director ng Diocese of Surigao.

Magugunitang labis na pinsala ang iniwan ng bagyong Odette sa Diocese ng Surigao partikular na sa Dinagat Island at Siargao na halos isang porsyento ng mga kabayaan ang nasira.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Surigao Del Norte tinatayang nasa P20 bilyong piso ang halaga ng pinsala na dinulot ng nasabing bagyo.

Umaasa si Fr. Ilogon na sa pamamagitan ng patuloy na mga tulong mula sa iba’t-ibang grupo at mga institusyon ng Simbahan ay patuloy naman na makakabangon ang kanilang mga kababayan kasabay ng malakas na pananampalataya sa poong maykapal.

“Una po nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumutulong at hanggang ngayon ay nagpapa abot ng tulong dahil sa walang sawang tulong ang mga tao dito alam ko makakabangon sila. Pangalawa yun mga dasal at panalangin galing sa mga tao lalo na sa aming sitwasyon alam ko nandiyan lagi ang Panginoon na tutulong sa amin at gagamitin niya ang ibang mga tao na instrumento para ang mga tao ay makabangon ulit ang Diocese ng Surigao,” pahayag pa ng Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,437 total reads

 50,437 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,084 total reads

 130,084 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,531 total reads

 163,531 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,829 total reads

 198,829 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,365 total reads

 423,365 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,768 total reads

 111,768 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top