Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis at ligtas na halalan

SHARE THE TRUTH

 301 total views

Mga Kapanalig, ibinasura ng Commission on Elections (o Comelec) ang apela ng grupong National Coalition for Life and Democracy na ilipat sa 2025 ang halalan sa harap ng nagpapatuloy na banta ng Covid-19. Ayon sa grupo, malinaw daw sa ating Konstitusyon na dapat mangibabaw ang karapatang mabuhay, at ito ang pinakamataas at pinakasagrado sa lahat ng ating mga karapatan.

Maaaring ilipat ang petsa ng eleksyon kung aaprubahan ito ng mayorya ng mga miyembro ng Comelec en banc batay lamang sa mga sumusunod na dahilan: karahasan o violence, terorismo, pagkawala o pagkasira ng election paraphernalia, force majeure o pangyayaring labas sa ating kontrol, at iba pang katulad na dahilang gagawing imposible ang pagsasagawa ng malinis na halalan. Alinsunod naman sa Omnibus Election Code, kung ililipat man ang araw ng eleksyon, hindi ito dapat masyadong malayo sa itinakdang araw. Hindi ito dapat lumampas ng tatlumpung araw mula nang matapos ang sinasabing dahilan ng pagpapaliban.

Naglabas na ang Comelec ng mga gabay sa pagsasagawa ng eleksyon, at binibigyang-diin sa mga ito ang pagpapatupad ng health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa araw ng halalan. Sa inihaing budget para sa Comelec, makikitang itinaas ito upang mapondohan ang mga kakailanganin para maisagawa ang ligtas na halalan. Kasama sa mga gagastusan ang pamamahagi ng medical and health supply requirements sa bawat presinto at paglalagay ng health protocol desks na magsasagawa ng screening ng mga botante bago pumasok sa presinto.

Ngunit sapat na nga kaya ang mga gabay na ito? Gaano kahanda ang pamahalaan, lalo na ang Comelec, sa pagsasagawa ng ligtas na halalan sa gitna ng pandemya? Alam nating magtutulungan ang iba’t ibang ahensya at kailangan ang kooperasyon ng lahat upang matupad natin ang ating sagradong tungkuling pumili ng mga lider ng ating bayan. Ngunit hindi natin dapat isantabi ang anumang pangyayaring lalong maglalagay sa mga botante sa kapahamakan.

Halimbawa, hindi raw dapat lumampas sa sampung botante ang nasa loob ng isang presinto at hindi sila dapat magtagal ng 16 na minuto sa pagboto. Paano kaya ito maisasagawa sa mga lugar na may napakalaking voting population? Maglalagay ba ng mga pulis at sundalo sa mga paaralan para mapasunod ang mga tao? Sapat ba ang bentilasyon ng mga silid-aralan at may sapat bang espasyo para sa mga maghihintay ng kanilang pagkakataong bumoto?

Idagdag pa natin ang ilang tanong na inilatag sa Comelec ng dekano ng Ateneo School of Government na si Dr Ronald Mendoza: Ano ang contigency plan ng komisyon sakaling magkaroon ng surge sa araw ng halalan? Magkakaroon pa ba ng eleksyon sa mga lugar na naka-lockdown? Titiyakin din ba ng Comelec na bakunado ang mga botante sa mga lugar kung saan mabagal ang pamamahagi ng bakuna? Maaari ba kaya ang pagpapadala ng ating balota sa pamamagitan ng koreo? Mahalagang malinawan tayo sa mga bagay na ito habang papalapit ang araw ng halalan.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Pius XII, tayo ay tinatawag na laging lumahok sa buhay ng ating bayan, at kaakibat nito ang pagtupad sa ating tungkuling bumoto sa halalan. Ang pagboto ay maituturing nating isang pagkakataong gumawa ng mabuti sa lahat, wika nga sa Galacia 6:10. Ngunit malaking hamon ang kinakaharap natin dahil sa nagpapatuloy na pandemya at sa pagtugon dito ng pamahalaang maaari pa sanang mas pagbutihin. Marapat lamang na tanungin natin ang kinauukulan kung paano nila titiyaking malaya nating magagawa ang obligasyon nating ito nang walang anumang banta sa ating kalusugan at kaligtasan. Dapat nating matiyak na magkakaroon tayo ng halalan dahil ito ang unang hakbang kung gusto natin ng pagbabago sa ating bayang naghahanap ng katiyakan sa gitna ng pandemya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,800 total views

 4,800 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,555 total views

 10,555 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,818 total views

 17,818 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,803 total views

 25,803 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,338 total views

 33,338 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,801 total views

 4,801 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,556 total views

 10,556 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,819 total views

 17,819 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,804 total views

 25,804 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,339 total views

 33,339 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,884 total views

 46,884 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,926 total views

 54,926 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,483 total views

 46,483 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,908 total views

 44,908 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,694 total views

 46,694 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,619 total views

 43,619 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,933 total views

 57,933 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,623 total views

 61,623 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,226 total views

 60,226 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,213 total views

 70,213 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top