Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapangyarihan ng taumbayan

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Mga Kapanalig, tila mga pangyayari sa Pilipinas noong 1986 ang mga nagaganap ngayon sa bansang Sri Lanka, isang maliit na bansa sa Timog Asya.

Noong isang linggo, dinagsa ng mga galίt na galίt na mamamayan ang magagara at naglalakihang mansyon ng kanilang presidente at prime minister. Bigo ang kinauukulang pigilan ang mga taong sumugod sa mga bahay na iniwan ng nagtatagong mga lider. Masayang nagsitalunan sa swimming pools, naghihiga sa malalaking kama, at nagpakuha ng picture sa magagandang hardin ang mga taong pagod na pagod na sa walang humpay na pagtaas ng halaga ng pagkain, kakulangan sa petrolyo at mga gamot, at kaliwa’t kanang brownout. Ang krisis sa Sri Lanka ay bunga ng kabiguan ng pamahalaang bayaran ang pagkakautang ng bansa.

Ganito rin ang eksena noong tumakas ng Pilipinas ang pamilya Marcos matapos silang patalsikin ng mga Pilipino. Nabuksan sa publiko ang Malacañang, at tumambad sa kanila ang karangyaan ng pamilya sa harap ng paghihikahos ng mga Pilipino. Naroon ang malalaking kama, mamahaling mga damit at pabango, at daan-daang sapatos. Sa unang pagkakataon, nakatapak sa loob ng palasyo ang mga Pilipinong nag-ambag-ambag upang magkaroon ng maluhong pamumuhay ang diktador at ang kanyang pamilya.

Tunay na mahirap pairalin ang kahinahunan sa mga mamamayang kumakalam ang sikmura at naghihikahos. Hindi natin kinukunsinti ang karahasan sa mga ganitong pangyayari, ngunit sino tayo upang husgahan at sisihin sila?

Linggo matapos ang pangyayaring iyon sa Sri Lanka, nanawagan si Pope Francis sa mga lider ng bansang pakinggan ang pananangis ng kanilang mga mamamayan at huwag balewalain ang kanilang mga pangangailangan. Sinabi naman ni Bishop Harold Anthony Perera ng Diocese of Colombo na hindi na makatarungan ang paghihirap na dinaranas ng mga Sri Lankans, at ang tinatawag niyang “failure of the system” ang nagtulak sa mga mamamayang mag-alsa at sumigaw ng radikal na pagbabago.

Ang mga nasa pamahalaan ang inatasan at inaasahan ng taumbayang magbibigay ng direksyon sa kanila sa mga pagkakataong nakararanas ang kanilang bansa ng matinding krisis. Ang mga lider ay iniluluklok sa kanilang posisyon upang paglingkuran ang mamamayan. Samakatuwid, gaya nga ng sinasabi sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang alinmang pamahalaang tumatangging kilalanin ang karapatan ng mga pinaglilikuran nito at gumagawa ng mga hakbang na labag sa mga ito ay hindi lamang mabibigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang kanilang awtoridad ay nawawalan ng saysay dahil hindi na nila mapagbubuklod ang taumbayan.

Ang nangyayari ngayon sa Sri Lanka ay maging paalaala sana sa ating ang kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan ay nagmumula sa taumbayan. At napatunayan na nating mga Pilipino ito sa maraming pagkakataon, lalo na noong 1986. Ngunit sadya yatang makakalimutin tayo kaya’t nandito tayo ngayon, napaikot muli ng mga taong ganid sa kapangyarihan at kayamanan.

Huwag sana itong mangyari sa Sri Lanka lalo na’t napilitan na ring magbitiw sa puwesto ang kanilang presidente at prime minister. Inaasahan na rin ang pagbabalik ng parliamento na pipili ng bagong mga lider ng bansa. Maging hudyat sana ito ng unti-unting paghupa ng karahasan at pagbangon ng kanilang ekonomiya. Maging aral sana ito sa kanila at sa mga mamamayan sa ibang bansa—kasama na ang Pilipinas.

Mga Kapanalig, sa isang mundong malawak at malalim ang puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, inilalahad sa atin ng Mateo 25:31-46 ang kuwento tungkol sa huling paghatol. Ipinapaalala sa atin nitong huhusgahan tayo ayon sa ating pagtugon sa mga pinakaaba at pinakahuli sa atin. Nasa mga lider ang malaking responsibilidad na gawin ang pagtugong ito, at upang matiyak na gagampanan nila ang kanilang tungkulin, ang taumbayan, na siyang pinagmumulan ng kanilang kapangyarihan, ay dapat laging nakabantay sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,036 total views

 5,036 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,009 total views

 11,009 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,764 total views

 16,764 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,027 total views

 24,027 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,012 total views

 32,012 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,037 total views

 5,037 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,010 total views

 11,010 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 16,765 total views

 16,765 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,028 total views

 24,028 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,013 total views

 32,013 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,397 total views

 35,397 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,401 total views

 47,401 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,443 total views

 55,443 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,000 total views

 47,000 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,425 total views

 45,425 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,211 total views

 47,211 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,136 total views

 44,136 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,450 total views

 58,450 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,140 total views

 62,140 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,743 total views

 60,743 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top