Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapayapaan at mga may sakit, inalala ni Pope Francis sa Feast of the Assumption

SHARE THE TRUTH

 536 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na patuloy hilingin sa Mahal na Birheng Maria ang paggabay tungo sa mapayapang lipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Santo Papa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen nitong August 15.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na sa pamamagitan ng maka-inang pag-aaruga ng Birheng Maria sa kanyang anak na si Hesus ay makakamit ng mundo ang pagkakabuklod-buklod ng mamamayan.

“We continue to invoke the intercession of Our Lady so that God may give the world peace, and we pray in particular for the Ukrainian people,” ani Pope Francis.

Ikinabahala ng santo papa ang hindi pa nalulutas na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine dahilan upang lumikas ang 12-milyong katao ng Ukraine para makaiwas sa karahasan.

Inalala rin ni Pope Francis sa kapistahan ang mga may karamdaman lalo na ang dinapuan ng sakit dulot ng pandemya na sa pamamagitan ni Maria ay makasumpong ng katatagan at kapahingang gumaling sa karamdaman.

“I wish good feast of the Assumption to lonely people and the sick, let’s not forget them,” ani ng Santo Papa.

Sa pandaigdigang datos nasa kalahating bilyong tao na ang dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo, anim na milyon dito ang nasawi kabilang na ang 61-libong Pilipino.

Sa Pilipinas nagpapatuloy ang Healing Rosary tuwing Miyerkules sa alas nuwebe ng gabi na ginaganap sa iba’t ibang simbahan sa bansa upang hilingin sa Mahal na Birhen ang gabay laban sa nakahahawang karamdaman.

Kinilala at pisanalamatan naman ni Pope Francis ang lahat ng mga manggagawa na nagpapatuloy sa paglilingkod sa pamayanan para sa pangangailangan ng sangkatauhan.

“I think with gratitude these days of those who ensure essential services for the community. Thanks for your work for us,” saad ni Pope Francis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,380 total views

 15,380 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,340 total views

 29,340 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,492 total views

 46,492 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,737 total views

 96,737 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,657 total views

 112,657 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 16,907 total views

 16,907 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top